Chapter 5

69 21 5
                                    

NEPHELE'S POV

"Hi, guys! Meet my new friends!" sabi ni Cheno ng may malawak na ngiti.

Natigilan naman silang lahat.

Uhh—, this is awkward. Do we have dirt on our faces?

"Hi! I'm Ischyra Athana. It's so nice to meet you all!" bati ni Schy sa kanila na ngingiti-ngiti pa dahil gulat pa rin sila.

"Oh! Hello girls! I'm Seb! Both of you are so gorgeous! Just like me, right?!" nakarecover sa gulat at hyper na sabi ni Seb.

"Of course, you are!" pagsangayon ni Schy.

"Hello! I'm Nephele Anemone."

Nakipagbatian muna kami sa kanilang lahat, pagkatapos ay sabay-sabay na kaming lumabas ulit ng classroom.

"So, how did you become friends with Cheno?" curious na tanong ni Nerees.

"Actually.."

*FLASHBACK*

Nakalabas na kami ni Schy ng classroom ng may humarang sa dadaanan namin. Mukha siyang hinihingal, siguro ay tumakbo pa ito para mahabol kami.

"Hi! I'm Cheno Edeianos." nakangiting bati nito at akmang makikipagkamay.

"Hello! I'm Ischyra Athana!" sabi nito at nakipagkamay naman.

"I'm Nephele Anemone." sagot ko at nakipagkamay din sa kaniya. Nakita ko namang nagningning ang mga mata niya. Weird.

"Uhm—, may itatanong lang sana ako. Kung ok lang?" nahihiyang tanong niya. Ang cute niya ah.

"Sure!" nakangiting sabi ko. Magaan loob ko sa kaniya kaya tingin ko dapat lang na maging mabait ako sa kaniya.

"Kasi kanina—, yung sa canteen—, ano—, pano ba ito?" halatang nahihiya at nalilitong sabi niya.

Naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin kaya inunahan ko na siya.

"Yeah, that was me. Nakita ko kasing nahihirapan kana. So, I pushed the meatball out of your throat."

"Talaga?!" mas lalong nagliwanag ang mukha niya sa tuwa.

"Maraming salamat, Nephele!" malaki ang ngiti na sabi nito.

"Walang anuman, it just happened na nandoon ako kaya I helped you." sabi ko dito.

"Can we be friends?" napapakamot sa ulo na sabi nito.

"Sure, why not?! I'm happy to have new friends, nauumay na kasi ako dito kay Nephele." sabi ni Schy na ibinulong ang huling sinabi kaya hindi ko narinig.

"Of course, we can be friends!" nakangiting sabi ko.

"Yes! Friends na tayo ah! Pwede ko ba kayo ipakilala sa mga kaibigan ko? Mababait yon sila! Paniguradong matutuwa sila." suhestyon ni Cheno.

Nagkatinginan kami ni Schy sa gulat. Nakakahiya rin kasi dahil alam na naming malalakas sila.

"Ah—, sure! Nasaan ba sila?" tanong ni Schy.

"Tara, nasa classroom pa sila. Nung makita ko kasi kayong lumabas ay hinabol ko na kayo. Hehe."

Bumalik na nga kami sa classroom at doon nakita ang mga kaibigan niya.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon