Dedicated to Dindin013, underlitningball & twenytri_
ATHANA'S POV
Nagising ako ng may maramdamang dumidila sa mukha ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita sa harap ko si Aeris.
Napangiti naman ako dahil ang cute niyang tignan, ang laki ng pupil ng maya niya at nakangiti sa akin.
"Hi, Airis! Anong ginagawa mo dito? Teka. Monday na ba? Hala, ngayon pala ang umpisa ng Fylakas Festival." mahinang kausap ko kay Aeris dahil natanaw kong tulog pa si Anee. Nasa tabi naman ng higaan niya si Aira na natutulog din. Tinignan ko ang kama ni Alethea pero wala na siya doon at maayos na ang higaan niya. Baka nasa kusina na.
Pagtingin ko sa orasan ay alas-singko pa lang ng umaga. Bumangon ako at naupo sa kama.
Ang lamig ng dibdib ko. Ano bang nangya—
Naluluha na naman ako ng maalala ang nangyari kahapon.
Galit pa kaya sa akin si Effie? Kumusta kaya siya? Sana ay hindi na siya galit sa akin para makausap ko siya mamaya. Hindi ko kaya ang ganitong pakikitungo niya sa akin.
Dinilaan naman ulit ni Aeris ang mukha ko kaya't napangiti ako.
"Excited ka na ba?" nakangiting tanong ko dito.
Tumaas naman ang tenga niya at ngumiti sa akin.
Tumayo na ako at dumaretsyo sa bathroom para maligo.
Pagkatapos ay tinawag ko na si Aeris para lumabas ng kwarto.
"Oh, Schy, ang aga mo naman bumangon? Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi na ba nananakit dibdib mo?" tanong ni Trite.
Siya pa lang ang nasa kusina kasama si Ceana na Fylakas niya habang naghahanda ng mga iluluto. Bakit wala dito si Alethea?
Nginitian ko naman siya.
"Hmm. Ok naman, Trite. Tulungan na kita dyan. Nasaan pala si Alethea?" sabi ko at lumapit na sa kaniya para tumulong.
Ayoko munang pagusapan iyong nangyari kahapon dahil baka manakit na naman ang dibdib ko.
Hindi naman na siya nakaangal ng magumpisa akong magmix ng ingredients ng pancake.
"Wala ba sa kwarto niyo? Ako pa lang ang gising, hindi naman siya lumalabas ng kwarto."
"Eh? Wala na siya doon eh. Nasaan kaya iyon? Ang aga naman niyang umalis."
"Ah, baka nasa field niya. Hindi ba ay siya ang gagawa ng illusion?"
"Baka nga. Magluto na tayo baka magising na rin sila."
Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagluluto ay tumulong sa amin si Sebi. Tulad ni Trite ay kinumusta pa muna ako nito.
Pinagmasdan ko naman si Sebi na lalaking-lalaki na kung kumilos. Napansin ko rin na ang gwapo talaga ni Sebi. Saktong-sakto ang hulma ng jawline niya, matangos ang ilong, makapal at perpektong kilay, mahabang pilik-mata, manipis at mapupulang labi, matulis na baba at mapupungay na mata. Kung dati ay laging bagsak ang buhok niya ngayon ay nakawax na iyon na lalong nagbigay angas sa kaniya. Grabe! Ngayon ko lang napansin iyon kay Sebi! Dati kasi ay may kaunting kolorete siya sa mukha kaya't hindi gaanong manly ang dating niya. Ngayon kahit sino siguro ay maiinlove sa kaniya.
"Schy, stop staring at me."
Napakurap naman ako ng sabihin iyon ni Sebi.
"Hehehe! Ang gwapo mo pala Sebi!"
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...