NEPHELE'S POV
Imbis na saksak ang maramdaman ko ay isang mahigpit na yakap ang bumalot sa akin.
"I'm sorry, Mone. I'm sorry. I love you. I love you so fckng much! Fck! I'm sorry. I almost killed you and my child. I'm sorry, Mone. I love you. I love you so much." umiiyak niyang sabi.
Nanghina ang tuhod ko at nagunahan ang luha ko ng marinig mga salitang iyon. Agad akong yumakap ng mahigpit sa kaniya at doon humagulgol.
He's back. My Poh is back.
"PATAYIN NIYO ANG BABAENG IYAN! ANG BATA SA SINAPUPUNAN NYAN ANG SISIRA SA LAHAT!"
Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap ng marinig namin ang galit na galit na sigaw na iyon.
"FCK YOU, HAEMON! YOU WON'T HURT MY WIFE! ESPECIALLY MY CHILD." nabalot ng malakas na boltahe si Poh kaya't medyo napaurong ako.
"ANG BATANG IYAN AY DAPAT MAMATAY! D! ALAM NIYO NA ANG GAGAWIN!"
Nagsisuguran naman sa amin ang mga Exorian sa pangunguna ni Ligeia.
"Buhay pa pala iyang bata sa sinapupunan mo. That btch! Sinabi niya ay nagawa niyang palaglagin ang bata! Kung alam ko lang na nandyan pa rin ang bata sa sinapupunan mo ay kanina pa kita pinatay." kausap sa sarili ni Ligeia ng makaharap namin.
"Stay there, Mone. I won't let anyone hurt you and my child." hinawakan niya ako at inilagay sa likuran niya.
Natatakot ako. Natatakot ako para sa amin ng anak ko. Hindi ko na kayang lumaban.
Bakit ba pati ang anak ko ay kailangang madamay? Bakit kailangan nilang patayin ang anak ko?!
Sumugod sa amin ang mga kalaban. Ngunit mas mabilis pa sa kidlat na pinapatay ni Poh ang lahat ng magtatangkang lumapit sa amin.
Hinang-hina akong napaupo sa lupa habang umiiyak. Hinawakan ko ang tyan ko na parang pinoprotektahan.
Hindi ko hahayaang mawala ka sa amin, anak.
Napakadaming sumusugod sa amin. Halos dumugin kami ng mga Exorian kaya't nahihirapan na si Poh. Nakakalapit na sa amin ang mga ito kaya gumawa si Poh ng electric barrier sa paligid ko.
I can't fight anymore.
Please, God, protect me and my child.
*BOOM!*
Napatingala ang lahat ng mayroong sumabog sa tuktok ng kastilyo at nagkaroon ng matinding liwanag na halos umabot na sa langit.
Natahimik ang buong Aepygero ng mayroong lumipad na babae na nababalot ng puting-puting liwanag mula sa tuktok ng kastilyo papalapit sa kinaroroonan namin.
Bago pa man iyon makalapit ay umatake ito ng apat na klase ng kapangyarihan, air bomb, fire ball, earth meteorite at water canon, sa mga Exorian sa kinaroroonan namin ni Poh.
Namatay ang lahat ng tinamaan ng atake na iyon. Walang ibang natirang buhay bukod kay Ligeia.
"HINDIIIIIIII!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ng pinuno ng Exoria bago nagpakawala ng itim na itim na enerhiya patungo sa kinaroroonan ng babaeng iyon.
"Paanong... buhay pa siya?" gulat na gulat na tanong ni Ligeia.
Nagpakawala ng kulay puting enerhiya ang babae upang labanan ang atake ng pinuno ng Exoria.
Nang magtama ang dalawang kapangyarihan ay gumawa iyon ng malakas na impact.
Agad akong tinakpan ni Poh at gumawa ng mas malakas na barrier kaya't hindi kami naapektuhan noon.
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...