Chapter 24

33 16 0
                                    

NEREES'S POV

Isang linggo ang nakalipas at pumapasok na ulit si Zopyros. Physical Education ang subject namin ngayon. Nandito kami sa washroom ng pool area dahil swimming ang klase namin.

"Anee, magra-rashguard na lang ako." nakangusong sabi ni Athana.

"No, ngayon ka pa ba mahihiya? Para saan pa at binili natin itong two piece diba? Tignan mo si Nerees at Elissa isinuot iyong bigay natin."

"Oo nga, Athana. Suotin mo na. Sexy ka naman eh!" sabi ko dito sabay kindat.

"Ok, fine." bagsak ang balikat na sagot nito.

Pagkabihis ay lumabas na kami. Agad naman naming naagaw ang atensyon ng mga lalaki. Halos lahat ng babae ay nakatwo piece rin pero kami ang nakaagaw ng maraming atensyon.

Nilingon ko naman ang pwesto nila Ice. At kita kong nakasimangot na siya habang tinitignan ng masama ang bawat lalaking tumitingin sa akin. Panigurado sisitahin nito ang suot ko.

"Ang sexy nila, pre!"

"Grabe! Ang kinis ni Athana at Nephele!"

"Ang ganda ng katawan ni Elissa.

"Sayang, may nobyo na si Nerees."

Rinig naming usapan ng ibang students na nadaanan namin.

"Bakit ganyan suot niyo? Lalo kana, babe? Sana nagrashguard ka na lang!" nakasimangot na bungad sa akin ni Ice.

Natawa naman ako sa reaksyon nito.

"Eh tignan mo nga oh, lahat ng babae ganito ang suot."

"Kahit na! Ako lang dapat makakakita ng balat mo!" kunot-noong sabi niya.

Ang swerte ko dahil napakaproctective ni Ice sa akin. Lahat ng bagay sinisiguro niyang mabuti para sa akin. Wala siyang pinapalampas maski ang mga kinakain ko.

"It's fine, babe. Don't worry, they know that I'm yours. Tsaka nandyan ka naman lagi sa tabi ko." sabi ko dito dahilan upang mawala ang nakasimangot niyang mukha.

"Yeah, you're right. You're mine! Subukan nilang tignan ka gagawin ko silang yelo!" sabi niya at inakbayan ako habang nakataas ang noo na para sinasabing sa kaniya ako.

Tinignan ko naman ang mga kasama ko dahil ang tahimik nila.

Pinigilan ko ang matawa dahil sa reaction ng mga boys. Si Pyrrhos ay hindi mapakali ang mata, hindi malaman kung titingin ba kay Athana o hindi. Si Seb naman ay akala mo diring diri sa nakikita pero kita doon ang paghanga sa ganda ng katawan ni Elissa. Oo kay Elissa siya nakatingin! Si Cheno naman ay kumakain habang hindi makatingin sa aming lahat. Si Chronis ayon walang pakielam. At si Zopyros na ang sama ng tingin sa bawat lalaking tumitingin kay Nephele. Para bang pinapatay na niya ang mga iyon sa pamamagitan ng tingin.

"Babe, tingin ko malapit nang magkanobya si Pyrrhos at Zopyros. Maski si Seb. Hahaha" natatawang bulong ko kay Ice.

"Tingin ko nga, babe! Mabuti iyon para sa kanila. Para naman maranasan nila ang nararamdaman kong saya kapag kasama ang nagiisang babaeng pinakamamahal ko!" tumataas-baba ang kilay na sabi ni Ice.

"Psh! Wag mo nga akong bolahin!"

"Hindi no'! Bakit naman kita bobolahin? Aalagaan kita!"

"Ok, class! Get in the pool." sigaw ni Miss Somati.

Sinabi at ipinakita niya muna sa amin ang mga dapat naming matutunan bago niya iyon ipinagawa sa amin.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon