Chapter 58

12 6 0
                                    

Dedicated to itsaphrodit3, eurecaaaa & Bridgetinocencio

ELISSA'S POV

Tumayo si Alethea sa pagkakaluhod ng may pumasok na mga healers. Yumuko muna ang mga ito bago lumapit ang dalawang healer kay Pyrrhos habang ang dalawa pa ay kay Nephele.

Ang isa pa ay lumapit sa akin.

"Mahal na prinsesa, ipinagutos po ng mahal na hari na siguraduhing maayos ang lagay ninyong lahat. Maaari ko po bang tignan ang kalagayan niyo?"

"Ahh, sige." sagot ko.

Mabilis niya naman kaming ininspeksyon dahil wala naman kaming mga tinamo o galos.

Ang dalawa pang healer ay hindi pa tapos sa paglilinis ng sugat ni Pyrrhos. Ganoon din naman ang nagtumitingin kay Nephele.

"Babe, lalabas muna ako." paalam ni Ice sa nobya.

"Saan ka pupunta?"

"Magpapahangin lang ako sandali, babe."

"Bumalik ka kaagad, Ice. Siguradong kakausapin tayo ng hari at reyna." sabi ko bago pa man makasagot si Nerees.

Pagkalabas niya ng kwarto ay tumayo naman si Zopyros at lumapit sa mga tumitingin kay Nephele.

"How long will it take you to know what happened to her?"

"Ahh, pasensya na po. Kailangan lang po naming makumpirma ang kalagayan ng mahal na prinsesa."

"Hayaan mo lang sila, Zopyros. Alam nila ang ginagawa nila." sabi ko ulit.

Alam kong maiinit pa ang ulo ng mga ito. Kaya pinangungunahan ko na ang mga kilos nila.

"Alright. Tell me what happened to her once I get back." sabi nito bago naglakad papalapit sa pinto.

"Saan ka pupunta?" naunahan akong magtanong ni Sese.

"I'll be quick. I'll get back here before she wakes up." pagkasabi niya noon ay lumabas na siya kaagad ng pinto.

Napahinga naman ako ng malalim.

Masyadong magulo ang nangyayari ngayon. Hindi ko lubos mapagdugtong-dugtong at ma-i-ayos.

Kanina lang ay sinabi sa amin nila Nephele ang nangyari kay Sophia na ikinagulat namin. Wala pang ilang minuto ay biglang nagkaroon ng hindi rin maipaliwanag na pangyayari sa langit, lupa at hangin. Tapos si Athana naman ay sinasabi nilang wala ng buhay?! At iyong namamagitan kila Pyrrhos at Alethea!

Napayuko ako sa tuhod ko dahil sa magulong pagiisip.

Naramdaman ko naman na humawak sa likod ko si Sese.

"Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo bang magpahinga muna?" tanong niya.

Umiling naman ako.

Hindi ako makakapagpahinga ng maayos kung ganitong marami akong iniisip.

At isa pa...

Nandoon na naman siya kanina.

Iyong lalaki na laging nakamasid sa amin.

Ikaw ba talaga ang tatay namin? Pero bakit palagi kang nandyan kapag may hindi magandang nangyayari?

Kung noon ay sa malayo ko siya nararamdaman, ngayon ay sobrang lapit niya. Nasa likod ko siya kanina habang lumilindol at nagwawala ang kalangitan.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon