Chapter 23

34 18 1
                                    

ATHANA'S POV

Nakatitig kami ni Anee sa Fylakas egg at inaantay iyong mabasag

"Shh. Wag tayong magingay." sabi ni Anee.

Maya-maya ay nagkakaroon na iyon ng crack. Nalaglag na ang nabasag na shell pero hindi pa namin natatanaw ang Fylakas niya. Dahan-dahan kaming lumapit doon at mayroon ding dahan-dahan na sumisilip doon.

"Waah! Ang cute!!" sigaw ni Anee ng tuluyang sumilip ang Fylakas niya.

Isa iyong pegasus. Ang ganda ng kulay nito. Puti iyon na mayroong pinaghalong blue at green.

"Anong ipapangalan mo sa kaniya, Anee?" masayang tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong ipapangalan mo sa kaniya, Anee?" masayang tanong ko.

"Hmm. I think it's a girl. So I'll name her.. Aira!" pagkasabi niya ng pangalan ay biglang tumaas ang tenga ng pegasus at nagtatalon. Para bang nagustuhan nito ang ipinangalan sa kaniya.

"Did you like that name? Aira?"

Lumipad sa buong kwarto ang baby pegasus. Pagkatapos ay tumabi iyon kay Anee na parang siya ang nanay nito.

"Ang cute! Excited na ako sa Fylakas ko!" sabi ko.

"Malapit na rin naman na ang birthday mo, Schy! Excited rin akong makita ang Fylakas mo!"

Hmm, ano kayang magiging Fylakas ko?

Nagpaalam na ako kay Anee dahil gabi na at inaantok na rin ako. Dumaretsyo na ako sa kwarto ko sa kastilyo nila at naligo bago mahiga at matulog.

*KINABUKASAN*

"Hala! Ang cute ng Fylakas mo!" sabi ni Nerees.

Linggo ngayon at nandito kami sa headquarters.

"Kelan mo siya dadalhin sa sanctuary?" tanong ni Elissa.

"Hmm, siguro mamayang hapon na lang. Gusto ko muna siya makasama. Bakit naman kasi bawal sila dito? Ang cute niya pa naman." nalulungkot na sabi ni Anee.

"Lumalaki kasi sila kaagad. Within three to four weeks ay lumalaki sila sa normal size nila. Kaya hindi pwede dito sa academy dahil mayroong malalaking Fylakas. Tulad ng kay Pyrrhos, malaki na lumilipad pa." pageexplain ni Nerees.

"Ok lang iyan, Anee. Pwede mo naman sila makasama kapag wala sa academy." sabi ko sa kaniya.

"Athana, diba malapit na rin ang birthday mo? Next month iyon hindi ba?" tanong ni Cheno.

"Ahh, oo. Nagpaplano na nga dila mommy eh. Sinabi nila sa akin kahapon. At syempre, invited din kayong lahat!" masayang sabi ko.

"Ayy for sure bongga rin iyan! Magpeprepare na ako ngayon pa lang!" sabi ni Seb.

"At tsaka for sure maraming gwapo doon at malalakas dahil sa Aepygero iyon! Ayiiee! Sana makita ko na doon ang future ko!" nagdedaydream na sabi ni Anee na ikinatawa ko.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon