ATHANA'S POV
"Mukhang gusto niyong mawala sa mundo ng maaga"
"Sino ka ba? Bakit ka nangengealam dito? Gusto mo bang masaktan?!" matapang na sigaw noong mukhang leader nila.
Hindi masyadong makita ang mukha niya dahil nakacap siya na itim.
"Tsk. Ako lang naman ang babali sa mga buto niyo." sabi niya.
"Eh gago ka pala eh!" sinugod nila ang lalaki.
Ngunit ang bilis ng pangyayari. Napakabilis niyang kumilos, bawat kilos ng kalaban ay nauunahan niya.
Bawat susugod sa kaniya ay tumutumba kaagad. Para bang walang kahirap-hirap sa kaniya ang patumbahin silang lahat.
Ang mas nakakagulat pa ay hindi pa niya ginagamit ang kapangyarihan niya.
"Sa susunod na lapitan niyo siya, makakaharap mo na si kamatayan." kinilabutan ako sa sinabi niya sa leader ng mga ito bago ito patumbahin.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay tumba na ang walong lalaki bago pa makalapit sa amin ang mga prostatis.
"Ikulong niyo ang mga iyan sa underground." utos niya sa mga prostatis.
Lumapit siya sa akin, kitang-kita ko ang pagaalala sa mga mata niya.
"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" tanong nito.
"Ah—, ok lang ako, hindi nila ako nasaktan. Hindi lang ako kaagad nakalaban kasi hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Salamat, Effie." sinserong pasasalamat ko.
Nakita ko naman siyang nagulat. Bumawi naman kaagad siya sa pagkagulat at sumeryoso bigla.
"Tsk. Bakit ba naman kasi ganyan ang suot mo?" ang moody naman nito, kanina nagaalala, nagulat, tapos ngayon galit.
Napanguso na lang ako. Tyan lang naman ang kita sa akin ah. Mga bastos lang talaga sila kaya nila ginawa iyon.
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
"Hoy! Anong—, Ano bang gina—" di ko natapos ang sasabihin ko nang sapilitan niyang isuot sa akin ang coat niya na itim.
Hindi pa siya nakuntento ng isuot sa akin iyon, isinara pa niya ang mga butones nito hanggang leeg ko.
What the? What is he doing?
Why is he doing this?
"Bakit mo isinuot sa akin ito?" takang tanong ko habang nakanguso at nakapameywang.
"Tsk. Wag mong hubarin hanggat hindi ka nakakauwi." sabi niya at tinalikuran ako. Nauna na siyang maglakad kaya't humabol ako sa kaniya.
"Salamat ulit!" nakangiting sabi ko.
Tahimik lang siyang naglalakad.
Pinagmasdan ko naman ang coat niya. Halos matakpan na nito buong katawan ko sa laki nito. Nang siya ang magsuot nito ay sakto lamang sa kaniya iyon. Dahil likas na maliit ako ay halos balutin nito ang kabuuan ng katawan ko.
Matangakad siya, pwede na siyang basketball player. Samantalang ako eh pandak. Hanggang balikat niya lang ako.
Natatanaw ko na ang shop na sinabi sa akin ni Anee kanina at nakita kong kasama niya ang Ischyros. Kaya pala nandito ito ay dahil nandito rin sila.
"Oh, Schy! Bakit ang tagal—, bakit ganyan na suot mo?" takang tanong ni Anee.
"Eh—, kasi—" sasagot na sana ako nang biglang magreact si Nerees.
![](https://img.wattpad.com/cover/221882755-288-k70863.jpg)
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...