Dedicated to chiminiejiminie, izzavy & EhnnaBicodo
SEB'S POV
Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata at namumula niyang pisngi kasabay ng pagiwas ng kaniyang tingin.
Napangiti ako sa reaksyon niyang iyon.
Sobrang tagal kitang hinintay at hinanap. Nasa tabi lang pala kita.
* FLASHBACK — 12 YEARS AGO*
Hayy.
Tapos na ang oras ng pagtuturo sa akin. Nakahiga lang ako sa kama dahil wala naman akong ibang magawa. Paulit-ulit na lang kasi ang mga nilalaro ko. Nakakasawa na. Gusto ko naman magkaroon ng batang kalaro.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
"Mahal na prinsipe, saan po kayo pupunta? Ang bilin po ng mahal na reyna ay huwag kayong hahayaang lumabas." sabi ng prostatis na nagbabantay sa labas ng kwarto ko.
"Gusto ko sanang puntahan sila mommy. Pwede mo ba akong samahan sa kanila?"
Mukhang nagaalinlangan pa siya kaya't ginamit ko ang kahinaan nila.
Ngumuso ako at nagkunwaring nalulungkot.
"Gusto ko kasing makita si mommy." sabi ko sa malungkot na tono.
Napansin ko naman na parang naaawa na siya sa akin.
Sana gumana.
"Huwag na po kayong malungkot, mahal na prinsipe. Sasamahan ko po kayo."
Yes! Hehehe.
"Talaga?! Salamat!" sabi ko at nauna nang maglakad.
Pagdating sa tapat ng opisina ni mommy ay kinausap ng prostatis ang mga sentry. Kumatok naman ang sentry sa pinto bago buksan iyon at sabihin kay mommy na nandirito ako.
Pumasok na ako at masayang nagtatatalon palapit kay mommy. Yumakap naman ako sa kaniya at humalik sa pisngi.
"Bakit nagpunta rito ang aming prinsipe?" tanong ni mommy.
"Mommy, tapos na po akong magaral. Tapos na rin po akong maglaro. Kaso po nalulungkot ako." nakanguso ulit na sabi ko.
"Bakit naman nalulungkot ang prinsipe namin? Hmm?" paglalambing ni mommy.
"Wala po kasi akong kalaro. Kapag naman po inaaya kong maglaro ang mga prostatis ay ayaw nila."
"Hmm.. Hindi ba ay sinabi ko na sa iyo ang dahilan kung bakit hindi ka pwedeng makipaglaro sa mga bata sa labas ng kastilyo?"
Lalo naman akong nalungkot doon.
"Opo." naiiyak na sagot ko.
"Anak, delikado pa para sa iyo ang lumabas ng kastilyo. Hindi rin naman pwedeng magpapasok ng mga bata dito sa kastilyo."
Matapos sabihin iyon ni mommy ay lumabas na ako ng opisina niya at nagkulong ulit sa kwarto.
Iyak lang ako ng iyak ng gabing iyon hanggang sa nakatulugan ko na ang pagiyak.
Paggising ko ay ramdam ko pa rin ang lungkot.
Sumilip ako sa malaking bintana ng kwarto ko kung saan tanaw ko sa malayo ang nakabukas na gate ng kaharian. Kahit malayo ay tanaw ko ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro.
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...