SEB'S POV
Naglibot muna kami sa field at naglaro ng ibang games doon. Pagkatanghali ay nagpunta na kami sa building B dahil nandoon ang dining para sa mga bisita.
Pagpasok namin doon ay nandoon na ang mga hari at reyna, pero wala doon ang hari at reyna ng buong Aepygero maski si headmistress.
Humalik muna kami sa mga magulang namin.
"Maupo na kayo at kumain na." pagaaya sa amin ni haring Nepholo ng Aeras Kingdom.
Nagsi-upuan na kami at pinagsilbihan kami ng mga maids doon.
"How's the academy, Anee?" tanong ulit ni haring Nepholo.
"It's fun dad! Meet my new friends, Nerees and Pyrrhos of Nero and Pyr Kingdom, Seb of Ge Kingdom, Zopyros, Ice, Elissa, Cheno and Chronis of Aepygero." pagpapakilala nito sa amin.
Magalang na bumati naman kami sa mga hari at reyna doon. Magkakaibigan sila noon pa man, kaya naging magkakaibigan din kaming mga anak nila. Pero madalang namin silang makasabay sa mga ganitong pagkakataon. Kapag nagpatawag lang ng pagpupulong ang Hari at Reyna ng buong Aepygero o di kaya ay mayroong mahalagang selebrasyon.
"That's great! I'm happy to meet all of you. I hope one of you will be my baby's future husband." sabi ni reyna Anemi.
"Mom! It's too early for that!" paninita ni Nephele sa ina.
Ay ang babaita, kunwari pa. Samantalang kanina ay gusto na ring magkalovelife.
"What? You'll still end up to that." natatawang biro ng reyna.
"Stop it, mom." nahihiyang sabi ng anak nito.
Iba kasi ang sistema dito sa mundo namin. Dapat pagpatak mo ng edad na 18 ay magkaroon ka nang kasintahan dahil ang edad ng pagpapakasal ay between 20-25. Lalo na sa mga prinsipe at prinsesa, dahil sila ang magmamana ng trono.
"I also hope one of them will be my daughter's boyfriend." pagsingit ni reyna Hali ng Nero Kingdom.
"Uh—, ina. May ipapakilala po ako sa inyo." paninimula ni Nerees. Tinignan ko naman si Ice.
Natatawa ako sa itsura nito dahil bigla itong namutla at natigilan sa pagkain. Hindi niya ineexpect iyon.
"Sino? Bakit? May kasintahan ka na, anak? Sino? Aba, naunahan mo pa ang kambal mo!" natutuwang tanong ng reyna.
"Sino naman ang maswerteng lalaki na kauna-unahang ipapakilala sa akin ng aking anak, bukod kay Seb." sabi ni haring Efyro ng Pyr Kingdom. Palabiro din kasi itong si tito.
"Psst. Ice." pasimple niyang tinawag si Ice na katabi niya dahil halata mong kinakabahan.
"Calm down." bulong ni Nerees dito. Gusto ko na talagang matawa.
"Ina, Ama, ang manliligaw ko po, si Ice."
"Magandang tanghali po mahal na Hari at Reyna. Ako po si Kryo Ice Pagos, manliligaw ni Nerees." tumayo pa ito at yumuko, simbolo ng paggalang.
"Ang gwapo! Sabi ko na nga ba ay may something sa inyo eh!" natutuwang sabi ni tita.
"Maupo kana, ijo. Kinagagalak ka naming makilala. Alagaan mo ang anak namin. Masaya ako para sa anak ko, huwag na huwag mong sasaktan iyan. Pagtiisan mo lang ang kadaldalan niyan." sabi ni tito.
"Nako, ijo! Masarap magluto iyan! Paniguradong busog ka lagi." pagbibiro rin ni tita.
"Opo. Makakaasa po kayo na hindi ko siya sasaktan. Aalagaan ko po siyang mabuti."
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasiaSTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...