NEPHELE'S POV
Isang oras na ang lumipas simula nang mawala sila Schy. Nandito lang ako sa throne room kasama si auntie pati na rin ang ibang mga hari at reyna. Naiwan rin dito si Nerees habang ang iba ay tumulong sa paghahanap kahit hindi alam kung saan maguumpisang maghanap.
"This can't be happening. Where's Alethea? Tell her to come here. I need her right now." utos ng reyna sa isang prostatis. Alethea? Ang alam ko siya iyong nagbubukas ng portal kapag pupunta kami ng mortal world, pero kahit kailan ay hindi pa namin siya nakikita sa personal.
"Nephele, magpahinga na muna kayo. Pinatawag ko na rin ang iba niyong kaibigan upang magpahinga na. Kami na ang bahala dito." gusto ko pa sanang umangal kaso utos iyon bilang reyna at hindi bilang si auntie kaya't wala kaming nagawa kundi pumasok sa mga guest room na nakalaan para sa amin.
Schy, ano bang nangyari sa inyo ni ate Ilene? Hindi kaya iyong mga kumuha sa ibang students rin ang kumuha sa kanila? Pero paano? Ang lakas naman ng loob nila upang pasukin ang mismong kaharian. Bakit wala ni isa sa amin ang nakaramdam na may mangyayaring hindi maganda?
Hindi ako mapakali kakaisip kung sino ang kumuha kila Schy at kung anong ginagawa sa kanila ngayon. I need to do something. I'm the Aeras princess and I am their cousin, I need to do something. Hindi ako makakatulog hanggat wala dito sila Schy.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas ako ng kwarto. Naglakad ako pabalik sa throne room pero hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kanila ay narinig ko ang usapan nila.
Nagtago ako at bahagyang sumilip. Si auntie at uncle na lang ang tao roon, ang mga prostatis ay nasa malayo kaya't paniguradong hindi nila naririnig ang usapan ng mga ito.
"Ang buwan ay asul, Zoticus. Ngayon nakatakdang lumabas ang kapangyarihan niya. Maaaring siya ang pakay nila pero hindi nila alam kung sino ba talaga ang Pantodynamos kaya't nadamay—"
"Mahal na hari at reyna. Nalaman ko ang nangyari. Paumanhin at wala akong nagawa upang agapan ang pangyayari." narinig ko ang hindi pamilyar na boses ng isang babae. Bahagya ulit akong sumilip at nakita ang pigura ng isang babae na nakatalikod sa gawi ko. Kumikinang sa puti ang buhok nito at maliit ang sexy na katawan, palagay ko ay nasa 20 years old na ito.
"Alethea! Nakuha nila ang mga anak ko! Pinatawag kita dahil alam kong matutulungan mo kami! Sigurado kaming mga Exorian ang kumuha sa kanila." puno ng pag-asang sabi ni auntie.
"Tutulong ako, mahal na reyna."
"What are you doing?"
Nagulat ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon doon at nakita si Poh na salubong ang kilay.
"Shh! Tara na nga." pabulong na sabi ko at hinila siya papalayo doon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba dahil akala ko eh nahuli ako. Nakakainis naman ito! Wrong timing.
Nang makalayo kami ay binitawan ko ang kamay niya at hinarap siya na nakataas ang kilay habang nakapameywang.
"Bakit ka ba nandoon?!" mataray na tanong ko sa kaniya.
"I can't sleep. How about you? What are you doing there?" seryosong tanong nito.
"Wala! Hmp!" sabi ko dito at tinalikuran siya. Dali-dali akong naglakad pabalik sa kwarto ko.
Nang makahiga sa kama ay naalala ko iyong usapan nila auntie.
"Pantodynamos? Ibig sabihin ay mayroong Pantodynamos na nabubuhay ngayon?! Pero sino? Iyong babae kanina?! Posible nga.."
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...