SEB'S POV
"Good morning, beautiful!" bati ko sa sarili ng magmulat ng mata.
Pinatay ko na ang alarm clock ko at pumasok na sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Sinilip ko muna ang kitchen at sinigurong nandoon na si Nerees. Nang makita ko siya ay kinatok ko na ang kwarto ng mga lalaki upang gisingin sila. Ganito ang eksena dito tuwing umaga. Kami ni Nerees ang maaga kung gumising.
"Hoy mga prinsipe ng kasungitan, bumangon na kayo dyan! Magsikilos na kayo!" malakas kasi talaga ang boses ko kaya maririndi sila sa bunganga ko.
"Stop it already!" sigaw ni Zopyros, marahil ay narindi na nga sa maganda kong boses.
"Gising na ako!" sigaw naman ni Pyrrhos.
Inaantay ko talaga na magrespond sila bago ako pumunta sa kitchen para tulungan si Nerees. Hindi kasi umeepekto sa mga iyon ang alarm clock. At ilang alarm clock na rin ang nasira nila dahil binabato nila iyon palagi o di kaya ay ginagamitan ng kapangyarihan nila para sirain.
"Ako na ang magprito, ikaw nalang sa fried rice." sabi ko kay Nerees. Marunong naman ako kahit papaano dahil nakikita ko sa mga ginagawa ni Nerees noon.
"Sige! Thanks, beks!" masayang sabi nito.
Dati kasi ay wala talaga siyang katulong dito sa pagluluto. Minabuti kong magpaturo sa kaniya para naman hindi haggard lagi ang lola niyo.
Sakto namang pagkatapos naming magluto ay nagsilabasan sa kwarto ang mga boys na fresh na fresh pa. Ang babango, dinaig pa ang bango ng mga niluto namin.
"Tara, kain na." sabay-sabay kaming kumain at pagkatapos ay nagtungo na sa classroom.
"Ang aga niyo ngayon ah!" pagbati ni Ice sa dalawang naggagandahang nilalang.
"Good morning girls!" bati ko naman dito.
"Hi guys! Good morning! Excited kasi itong si Anee sa lesson ngayon sa history." pagsagot ni Athana.
"Oo nga pala, ano? History ang subject ngayon!"
Umupo na kami at maya-maya lang ay dumating na ang propesor.
"Good morning, class. Since Fylakas Festival is near, our topic for now will be the History of Fylakas. I'll discuss about the Pantodynamos after the festival." paguumpisa ni miss.
Medyo nadismaya naman ang ilan dahil siguro ay gusto na nilang malaman ang tungkol sa Pantodynamos. Pero nakatutok pa rin kami sa propesor habang naglelecture ito.
"Before I begin with the history of Fylakas, I want to clarify one thing. Marahil karamihan sa inyo ay may Fylakas na at alam na ang katotohanan. May iba pa ring naniniwala na nandito sa academy ang nest ng mga Fylakas."
"Hala, Anee? Wala dito yung nest? Eh nasaan iyon?" narinig kong sabi ni Athana sa katabi. Na medyo ikinatawa ko.
"Hindi totoong nandito sa academy ang nest ng mga Fylakas. Kaya lamang iyon pinaniwalaan ay dahil nang itayo ang Academy ay maraming bata ang ayaw pumasok sa paaralan at gusto lamang maglaro. Bilang mga bata ay gustong-gusto nila ang mga Fylakas ng kani-kanilang mga magulang. Kaya't sinabi ng mga nakatatanda na maaari lamang silang magkaroon ng Fylakas kapag sila ay pumasok sa academy dahil nandito ang nest ng mga Fylakas."
"Paano yon? Eh saan natin hahanapin yung Fylakas natin?" tanong ulit ni Athana sa katabi. Pigil na pigil ang pagtawa ko dahil baka mapagalitan ako. Ganoon rin itong mga katabi ko na naririnig sila.
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...