Chapter 59

22 7 4
                                    

Dedicated to Sicath30, bernardcatam & ticuzakiii

ELISSA'S POV

"Anong bang sinasabi mo, Alethea?! Mahal kita! Ikaw lang ang mahal ko!" sigaw sa kaniya ni Pyrrhos at itinayo siya.

"Pyrrhos! Si Athana ang mahal mo! Hindi ako!"

"Can the both of you stop your drama? Just leave this castle while I still have my patience with me."

*Goosebumps*

Nang tignan ko si auntie ay nagliliparan na ang maiksi niyang buhok. Nagliliwanag din ang asul niyang mata.

"Isyria, ako na ang bahala dito. Ilene, alalayan mo ang mommy mo." sabi ni uncle.

"Mom, please."

"Sumunod kayo sa akin. Marami akong katanungan sa inyo." seryosong sabi ni uncle na naglakad na at linagpasan kami.

Lumingon pa muna ako kila auntie at sumulyap sa Ensoma ni Athana bago sumunod kay uncle.

Nagtungo kami sa throne room at hindi ko inaasahan ang madadatnan namin roon.

*Crowd Mourning*

Napakaraming tao ang nasa labas ng kastilyo at puro nakaluhod habang umiiyak. Lahat ay nakaharap sa malaking pinto ng kastilyo, ang iba ay nagdadasal, mayroong humahagulgol at sumisigaw. Lahat ay binabanggit ang pangalan ni Athana.

"Mahal na prinsesa Ischyra!"
"Nakikiramay po kami, mahal na hari."

*Loud cries*

"Ang mahal na prinsesa ay mananatiling buhay sa aming puso at isip."
"Gabayan mo po ang buong Aepygero, mahal na prinsesa Ischyra!"

*Loud cries*

"Maaari po ba naming masilayan ang Ensoma ng mahal na prinsesa?"
"Ang mahal na prinsesa ay nilisan na ang ating mundo!"

*Loud cries*

"Mahal naming prinsesa, kung nasaan ka man, sana ay masaya ka."
"Ang buong Aepygero ay nakikidalamhati sa pagkawala ng mahal na prinsesa Ischyra."

Rumagasa na naman ang luha ko dahil sa aking naririnig. Napakasakit pakinggan ng kanilang mga pagluluksa.

Ang kaharian ay napuno ng nakakakilabot na iyak ng mga Aepygerian. Habang si uncle ay nakatayo lang na pinagmamasdan ang mga Aepygerian sa labas ng kaharian.

Naglakad na ulit si uncle kaya't tahimik kaming sumunod. Ngayon ay patungo na kami sa meeting room.

Tinignan ko ang mga kasama ko na tulad ko ay lumuluha pa rin. Sila Cheno at Chronis ay parehong tulala habang si Nerees ay inaalo ni Allai. Si Sese ay mahigpit pa ring hawak ang kamay ko.

Pagkaupong-pagkaupo namin ay nagsalita kaagad si uncle.

"Sino ka ba talaga, Alethea?" deretsyang tanong ni uncle.

Si Alethea naman ay parang napako sa inuupuan habang namumutla at nanlalaki ang mata.

Sino ka nga ba talaga Alethea?

"Ma— Mahal na hari..."

"Anong ginawa mo kay Pyrrhos?"

"Excuse me. She didn't do anything to me. Why do you sound like you're accusing her of something?"

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon