ATHANA'S POV
Nasa train kami ngayon papunta sa sentral ng Topi. Ang Aepygero kasi ay parang isang kontinente na nahahati sa pitong rehiyon. Iyon ay ang Nero, Ge, Pyr, Aeras, Exoria, Topi at ang mainland, ang Aepygero. Ang academy naman ay nakatayo sa gitna ng lahat ng rehiyon, sa Topi, pero malayo iyon sa sentral at subdivision ng Topi kung saan naninirahan ang mga Topikos. Ang Topi ang nagsisilbing tulay ng lahat ng rehiyon dahil nasa pinakagitna ito.
Naalala ko noon sa klase namin sa history ay sinabi ni miss na ang Topi ang naging tulay ng bawat rehiyon upang makamit ang pagiisa ng mga ito. Sa Topi rin naninirahan ang mga Aepygerian na hindi sakop ng apat na elemento ang kapangyarihan, iyon nga ang mga Topikos. Pero ang mga kapangyarihang tulad ng kila Zopyros, Ice at iyong triplets ay sa Aepygero Kingdom kabilang dahil rare ang kapangyarihang iyon.
"Schy? Nandito na tayo! Hello?" winagaywag ni Anee ang kamay sa harapan ko tila kinukuha ang atensyon ko.
"Ahh, oo. Tara." sabi ko ng mabalik sa reyalidad ang utak ko.
Paglabas ng station ay agad naming hinanap ang sinabi sa amin ni ate na tutuluyan namin. Maliit lang ang sentral ng Topi kaya madali para sa amin ang mahanap iyon.
"Ahh, guys. May problema tayo." napapakamot sa batok na sabi ni Effie.
"Ano iyon?" sabay-sabay naming tanong.
"Dalawa lang daw ang kwarto at kada kwarto ay mayroong tatlong kama."
"Eh paano iyan?"
"Edi magtabi tabi tayo!" sabi ni Nerees.
"Si Seb na lang magisa doon sa sobrang isang higaan." dagdag pa nito.
"Ok." sagot naming lahat.
Inayos na muna namin ang mga gamit namin bago kami kumain ng tanghalian.
"So, anong plano? Sino ang una nating pupuntahan?" tanong ni Seb.
"Unahin nating puntahan si Mildred. Tutal ay kakilala na natin siya. Bukas tayo maguumpisa. Tanging sektor lang ng kanilang subdivision ang nakalagay sa data nila. Maraming sektor ang subdivision dito kaya mahihirapan tayong hanapin ang mga bahay nila." sabi ni Effie.
"Edi maghiwa-hiwalay tayo para mabilis tayong matapos!" suhestyon ni Ice.
"HINDI!" sabay na sigaw namin ni Zopyros.
"Anong eksena ng dalawa at may pagduet pa?" tanong ni Seb.
Nagkatinginan naman kami ni Zopyros.
"Ahh, kasi naisip ko lang, mas maganda kung sama-sama tayo. Para mas safe tayong lahat. Kasi diba? Kaya nga tayo nandito dahil sa cases ng students na biglang nanghihina. Mas ok na iyong sama-sama tayo para mabantayan ang isa't-isa." sabi ko.
"Tama si Athana." sabi ni Zopyros.
"Oo, hindi rin ako pabor na maghiwa-hiwalay tayo." pagsang-ayon ni Effie.
"Ok. Chill, guys. Suggestion lang iyon." natatawang sabi ni Ice.
"Magpahinga kayo ngayon, dahil bukas ay paniguradong mahihirapan tayong maghanap." sabi ni Effie. Bagay nga sa kaniya ang maging leader ng grupo dahil nagiging seryoso siya sa mga ganitong bagay.
"Dati na ba kayong binigyan ng misyon?" tanong ko sa mga ito.
"Oo, pero hindi ang headmistress ang naguutos noo n, at tsaka hindi tulad nito na sa labas pa ng academy." sagot ni Nerees.
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...