ELISSA'S POV
"No." may bahid ng pagdududang sabi ni Nerees ng maikwento sa amin ni Chronis ang nangyari.
"Tell me you're lying, Chronis. Ice won't do that! He's not a traitor!" umiiyak nang sigaw nito.
"Sigurado ka ba, Chronis? Kaibigan natin si Ice. Hindi niya magagawa iyon sa inyo." kontra din ni Sese.
"Kung sana nga ay nagsisinungaling lang ako, Nerees, Seb. Matalik na kaibigan ko si Ice. Bago pa man namin kayo makilala ay kami na ang magkakasama. Maski ako ay hindi matanggap na traydor si Ice, Nerees. Hindi ko matanggap. Kapatid ang tingin ko sa kaniya kaya't hindi ko matanggap na ganoon kadali sa kaniya na pagtangkaang patayin si Nephele na kaibigan din niya at walang pagdadalawang isip na patayin din ako." bakas sa tono ni Chronis ang dismaya.
Kung ganoon ay si Ice ang traydor sa aming grupo. Naalala ko bigla ang mga nangyari sa amin. Noong nagpunta kami sa Topi, alam ng mga Exorian na nandoon kami. Noong kami nila Athana ang inatake, alam nilang hindi namin kasama ang boys. Maaaring sinabihan sila ni Ice kaya't naisagawa nila ang mga iyon. Siya rin ba ang tinutukoy ni Sophia sa sinabi niya kay Athana? Pero paano niya iyon napapaalam sa mga Exorian? Sino ba ang iba pa niyang kasama? Hindi kaya sila Magno? Mainit ang dugo nila kay Ice. Maaaring palabas lang nila iyon upang hindi sila paghinalaan.
Si Zopyros? Bakit pati si Zopyros ay nawawala?
Inalala ko ang nangyari bago sila mawala. Nagpaalam si Ice na magpapahangin bago sumunod si Zopyros sa kaniya.
Hindi kaya may alam si Zopyros kaya't sinundan niya si Ice? Posibleng nahahalata na niya noon ang mga kilos ni Ice dahil silang dalawa ang magkasama sa iisang kwarto. Maaaring natutunugan niya ito kaya't sinundan niya noong araw na iyon.
"Hindi... hindi niya magagawang lokohin ako, lalo ang traydurin. Hindi..."
Yinakap naman siya ni Pyrrhos.
"Si Zopyros? Paano si Zopyros?" tanong ko.
Sabay silang nawala at base sa sinabi ng mga prostatis ay magkasama sila ng mawala. Hindi kaya may nalaman si Zopyros ng araw na iyon kaya't pati siya ay nawala?
"Hindi ko alam. Paano kung may ginawa sa kaniya si Ice?" sabi ni Chronis
"Hindi... Huwag mong sabihin iyan Chronis. *sob* Naniniwala akong hindi magagawa iyon ni Ice. *sniff* Hindi niya iyon magagawa." sabi ni Nerees.
"Wala siyang pagaalinlangan na patayin kami. Kung kami ay nagawa niyang pagtangkaan ng harap-harapan, Nerees! Hindi malabong magawa niya rin iyon kay Zopyros! Paano kung may mga kasamahan pa si Ice?! Nasisiguro kong may ginawa silang hindi maganda kay Zopyros! Paano kung pinatay na nila si Zopyros?!"
"Si... Poh?"
Napalingon kami kay Nephele ng bumangon ito.
"Pi— pinatay... si Poh?" tila nanghihinang sabi niya at nagtutubig ang mata.
"Hindi, Nephele. Hindi. Hindi pinatay si Zopyros. Hindi!" sabi ni Cheno at lumapit dito bago ito hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Cheno... Ano iyong sinasabi... ni Chronis?" garalgal ang boses na tanong nito.
"Nephele. Nagkakamali ka." sabi ni Chronis.
Hindi maganda ito. Hindi pa pwedeng malaman ni Nephele ang nangyayari. Makakasama sa kaniya.
Nagpapawis ang palad ko dahil nasisiguro kong hindi matatapos ang araw na ito ng hindi nalalaman ni Nephele ang totoo.
"Sabihin niyo sa akin... uncle. Totoo bang nasa academy sila Poh? Akala niyo ba hindi ko napapansin? Kapag tinatanong ko kayo ay pilit niyong iniiwasan ang mga iyon. Mayroon kayong hindi sinasabi sa akin. Nasaan si Poh? Wala talaga siya sa academy, hindi ba? Si Schy? Talaga bang nagpapahinga siya? Ano bang totoong nangyari kay Schy? Anong sakit niya? Bakit hindi niyo sabihin sa akin? Pinsan ko si Schy at mahalaga siya sa akin. Paano kung maulit ang ganoon, hindi ko alam ang gagawin. Paano ko ililigtas si Schy kung hindi ko alam ang dapat kong gawin? Please! Kahit ito lang, kahit ngayon lang, pakiusap, sabihin niyo sa akin ang totoo. Sabihin niyo sa akin kung ano ang nangyayari. Palagi akong walang alam kaya't wala akong magawa. Please, ipaalam niyo naman sa akin ang nangyayari hindi yung nagmumukha akong tanga." seryoso at nakayukong sabi ni Nephele.
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...