ATHANA'S POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Dahil sa nangyari sa amin kahapon ni Anee, nagpabili kami ng alarm clock para hindi na iyon maulit.
Bumangon na ako para maligo at nagtoothbrush. Nang makapagbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Wala pa doon si Anee kaya kinatok ko siya sa kwarto.
"Anee? Gising kana ba?" walang sumagot sa akin kaya binuksan ko ang pinto at pumasok doon. Nakita ko siyang mahimbing na mahimbing pa ang tulog, at ang alarm clock niya ay nasa sahig na. Malamang nagising sa alarm to pero natulog ulit.
"Hoy, Anee! Gising na malelate tayo kapag di ka pa bumangon dyan."
"Huh? Hmm" tinatamad pa na sabi niya.
"Bumangon kana dyan para makapagbreakfast na tayo. Maligo kana." sabi ko at lumabas na ng kwarto niya. Narinig ko naman siyang pumasok sa banyo kaya nagpunta na ako sa kusina para magluto ng breakfast.
"Nako, pano ba ito? Hindi nga pala ako marunong magluto." pancake mix lang kasi ang meron doon na kahit papaano ay alam kong lutuin.
"Bahala na nga."
Sinimulan ko ng ihalo ang mga ingredients. Binuksan ko na ang stove at naglagay doon ng maliit na kawali.
Inumpisahan ko ng lutuin ang pancake.
"Wow! Ang bango!" sabi ni Anee pagkalabas niya ng kwarto.
"Sakto tapos na akong magluto ng pancake." masayang sabi ko.
Kung titignan mo ang niluto ko ay masasabi mong tamang-tama lang ang pagkaluto.
"Tara kain na tayo."
Nagumpisa na nga kaming kumuha ng pancake. Sumubo na si Anee at inaantay ko ang reaksyon niya.
"Gosh! Schy! Pancake ba talaga ito? Bakit ang alat?!" nagtatakang tanong niya.
"Huh? Talaga?" tinikman ko ang niluto ko at maalat nga.
"Hala oo nga! Sorry, Anee." nalulungkot na sabi ko.
"Ok lang yon, first time mo lang naman eh. Ako rin naman hindi marunong magluto."
"Magcereal nalang tayo meron naman dyan." sabi ko at kinuha ang cereal at milk.
Pagkatapos kumain ay kumilos na kami para pumasok.
Sakto lang ang dating namin sa classroom dahil kasunuran lang namin ang propesor.
"Good morning class. I am Mrs. Toria, and I'm your professor in History." pagbati nito.
History. Ngayon ko lang malalaman ng lubusan ang history ng Aepygero dahil hindi ito tinatalakay noong kami ay nasa secondary palang. Hindi ito ipinapaalam habang bata pa dahil ayaw nilang mamulat ang mga bata sa hindi magandang nakaraan. Hindi rin daw angkop ang mga pangyayari noon para sa mga bata. Gusto nilang ipaalam ang history ng mundo namin kapag lubos na nakakaunawa na ang mga isip namin.
Nagumpisa ng maglecture ang propesor kaya't tahimik na ang lahat.
"Ang Aepygero ay nakuha sa pinagsama-samang pangalan ng mga basic powerful elements. Ito ay ang Aeras, Pyr, Ge, and Nero. Ang nagbigay ng pangalang ito sa ating mundo ay si Bion, The Goddess of Life, minsan ay tinatawag din siyang Goddess of Creation, dahil ang buong akala ng mga Aepygerian ay siya ang lumikha ng sanlibutan. Ngunit nalinawan lamang ang mga Aepygerian noong malaman nila na mayroon pang isang God, si Than, The God of Death. Nalaman ng mga Aepygerian na si Bion at Than ay sugo ng God of all Gods and Goddesses."
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...