THIRD PERSON'S POV
Marami na ang patay, sugatan at pagod sa nangyayaring digmaan. Tila walang katapusan ang bilang ng mga Exorian at cyclops na patuloy na nadadagdagan. Lumabas ang panibagong hukbo ng cyclops na hindi lalagpas sa isang-daan ang bilang.
Ang mga Aepygerian ay pagod na sa halos limang oras na tuloy-tuloy na labanan.
Kasalukuyang kinakalaban ni Chronis at Allai sila Kassi at Aris(N). Habang si Cheno ay kinakalaban sila Marou at Elias. Ang kalaban ni Elissa ay sila Magno at Ditrio. Si Nephele ay kasalukuyang kinakalaban si Ligeia at Oplo(K). Hindi pa rin napapatumba ni Seb ang kalabang si Arti(P). Si Nerees ay nagawa ng patayin ang magkasintahang Krystallia(G) at Oxie(M) kaya't lumapit ito kay Nephele at kinalaban si Oplo(K).
"ARRGHHHH! YAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!" malakas na sigaw ni Elissa habang nagiipon ng enerhiyang kaniyang papakawalan dahil.
"DUMAPA ANG LAHAT!" sigaw ng Duke ng mapagtanto ang atakeng gagawin ng prinsesa.
Nang makadapa ang lahat ng Aepygerian ay nagpakawala si Elissa ng malakas na spatial ring blade.
*Boom!*
Napakalawak ng pinsalang nagawa ng spatial ring blade ng prinsesa. Sapat lamang upang mapawi ang mahigit dalawampu't-limang pursyento ng bilang ng kalaban. Ang lahat ng tinamaan ay nahati ang katawan. Maging ang mga puno at ibang bagay na tinamaan noon ay nahiwa sa dalawa.
Sa atake ng iyon ng prinsesa ay nakamit niya ang kaniyang mighty form. Ang buhok niyang palaging nakatali ay lumadlad at mistulang isang kalawakan na pinalilibutan ng mga nagkikinangang bituin. Ang armour ay gawa pa sa pinakamatibay na meteorite.
Hindi pa doon natapos ang atake ng prinsesa.
Tumingala ang lahat sa madilim na kalangitan ng tila nagkaroon ng maraming papalaki ng papalaking liwanag.
Kumilos ang kapatid ng prinsesa na si Cheno at gumawa ng swallow void sa ibabaw ng bawat Aepygerian upang hindi maapektuhan ng atake ng prinsesa.
Natakot ang lahat ng mapawi ang makapal na ulap sa kalangitan at tumambad ang tila mga bituin na nahuhulog galing sa kalangitan. Habang papalapit ang malalaking tipak ng meteorite sa lupa ay nagapoy ang mga iyon.
Nagmistulang fireworks display ang battleground dahil sa pagsabog ng mga meteorite pagkatama sa lupa.
Tumulong ang prinsipe Zeporo sa kaniyang anak na si Cheno sa paggawa ng swallow void kung saan lalamunin nito ang atakeng iyon ng prinsesa upang hindi makapaminsala sa mga Aepygerian.
Nang matapos ang atake ng prinsesa ay agad siyang sinalo ng nobyo dahil nawalan ito ng malay. Matinding enerhiya ang kaniyang pinakawalan kaya't halos maubos ang lakas niyang kumilos.
Dali-daling ipinasok ng prinsipe ng Ge Kingdom ang prinsesa sa kaharian upang mabigyan ng lunas at makapagpahinga.
Pumalit naman sa kanila ang prinsesa Ilene at ang kaniyang nobyo na si Nyx. Silang dalawa ang humarap sa kaninang kalaban nila Elissa at Seb dahil nagawa ng mga iyon na ilagaan ang atake ni Elissa.
Ang paglabas na iyon ng kaharian ng prinsesa ang naging hudyat ng pinuno ng Exoria upang magpakita.
NEPHELE'S POV
Napapagod na ako. Nauubos na ang lakas ko. Pero hindi ako pwedeng magpahinga. Hindi. Hindi, hanggat hindi ko nakikitang buhay si Poh.
"Aww, seems like you're getting tired." mapang-inis na sabi ni Ligeia.
Nakakairita siya. Kanina pa siya daldal ng daldal. Hindi niya ba napapansin na ayokong marinig ang pangit niyang boses. Iyong bose palang niya ay masakit na sa tenga. Nakakapanginit ng dugo.
![](https://img.wattpad.com/cover/221882755-288-k70863.jpg)
BINABASA MO ANG
AEPYGERO SERIES: Love & Anger
FantasySTORY DESCRIPTION: "Ikaw... ang sumpa ko-, Ang... pinakamagandang... sumpa na nangyari... sa buhay ko-" ¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯¯ Aepygero is a world full of different powers. Where prophecies has been declared. A new Pantodynamos has been...