Chapter 63

18 5 0
                                    

ELISSA'S POV

"I've lost you for ten fckng years, Sasa! I won't let that happen again!"

Umayos ako ng tayo at lalapit na sana sa kaniya ng may sumugod sa kaniyang babae.

"Pweda ba babaita! Naguusap pa kami!" napanganga naman ako ng marinig ko muli siyang magsalita sa ganoong paraan. Bakit— pucha! Nasa digmaan ba talaga ako?!

Bakit naging bakla na naman ito?

"Hindi pa tayo tapos maglaban nilayasan mo na ako kaagad!" malanding sabi ng babaeng ito.

Naglaban silang dalawa kaya hinanap ko muna iyong kalaban ko. Nakita ko namang kakatayo niya lang at pailing-iling na hawak ang ulong nagdudugo.

"Sasa! Naguusap pa tayo!" sigaw ng baklang si Sese pero hindi ko siya pinansin.

Tinutok ko ang baril ko sa mismong noo ng lalaking ito.

"Woah! Sandali, binibini. May sasabihin ako." nanatili lang nakatutok sa noo niya ang twin gun ko.

"Nobyo mo ba iyon? Malas. Alam mo bang may gusto si P sa nobyo mo at matagal na niyang minamanmanan iyan? Pustahan tayo, binibini. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi nakukuha ni Arti iyang nobyo mo—"

*Bang!*

Tangna! Napakabilis niyang maglaho!

Tinignan ko si Sese na nakikipaglaban doon sa babae. Pangalan pa lang maarte na.

Nakita kong gumawa iyon ng isang papel na sandata. Papel? Papel ang kapangyarihan niya? Kaya naman pala, mapapel.

Inilibot ko naman ang paningin ko at napagtantong marami pa rin ang kalaban. Marami na ring Aepygerian ang walang buhay, ang iba ay naging Ensoma na.

Sumugod ako sa isang cyclops na malapit sa akin. Saktong papalapit sa akin ang palad nito na balak akong hampasin ngunit tumalon ako ng mataas at tumakbo sa braso nito papalapit sa ulo niya. Gumawa ako ng space sword at tinarak iyon sa mata niya.

Bago pa man tumumba ang cyclops ay tinawag ko si Versa.

*Phwwwwwhht* sipol ko.

Nang lumitaw si Versa sa harap ko ay tumalon ako sa likod niya.

Habang nasa ere kami ni Versa ay hinanap ko ang mga kasamahan ko.

Nanlaki ang mata ko at tila tumigil ang paghinga ko ng makitang sinaksak si Chronis sa mismong puso niya.

"CHRONIS!" sabay naming sigaw ni Allai.

Naunang lumapit si Allai kay Chronis dahil may humarang na cyclops sa daraanan ko.

Papatayin ko na sana itong cyclops ng may mauna sa akin.

Nang lumingon siya sa akin ay nagulat na naman ako.

"Chronis?" pabulong na tanong ko.

Sumenyas naman siyang huwag akong maingay.

Nang tumumba ang cyclops ay tumambad sa akin ang nagliliwanag na si Allai. Unti-onti siyang lumalaki habang sumisigaw at bitbit ang katawan ni Chronis na may saksak sa puso at walang buhay.

Nagpalingon-lingon naman ako kay Chronis at kay.. Chronis.

"Cloning." sabi ng Chronis na kasama ko at tinaas pa ang balikat at kamay na parang nagmamalaki.

"Bwisit ka, Chronis!" sabi ko dito at hinampas siya sa dibdib. Naluluha pa ako dahil akala ko talaga ay may nangyari na sa kaniya. Hindi ko maaatim na mawalan na naman ng mahal sa buhay.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon