Chapter 44

15 4 0
                                    

Dedicated to GZellexx08, debyangsiako & sleepingchris

ATHANA'S POV

Isang linggo na ang lumipas nang makauwi kami sa kaniya-kaniyang kaharian. Naging abala rin ako dito sa kastilyo dahil sa dami ng pinagawa sa akin nila mommy. Iyong ibang bagay na si ate dapat ang gagawa ay sa akin pinaasikaso.

Kunsabagay, may responsibilidad din naman ako bilang prinsesa.

Ngayon ay kinakailangan kong pumunta sa sentral ng aming kaharian para malaman ang kalagayan ng mga mamamayan doon. Nakasuot ako ng royal gown at mantle ngayon dahil ito ang nararapat suotin. Maski ang crown ko ay suot-suot ko. Ang bigat tuloy sa ulo.

Lumabas na ako ng kwarto nang sabihan akong handa na ang kalesa. Nasaan kaya sila Elissa? Gusto ko sana silang isama kung wala naman silang gagawin.

Pagbaba ko ay sakto namang nandoon sila at mukhang inaantay ako.

"Athana! Nalaman naming pupunta ka daw sa sentral. Pwede ba kaming sumama?" umaasang tanong ni Chronis.

"Oo naman! Hinahanap ko nga kayo dahil balak ko kayong isama." masayang sabi ko.

"Yon! Makakabili ako ng maraming pagkain!" natutuwang sabi pa ni Cheno.

"Kanina pa iyan hindi makapaghintay." sabi naman ni Elissa.

"Halika na. Nasa labas na iyong kalesa." nanguna na akong maglakad.

Bawat madadaanang maid at prostatis ay tumitigil at yumuyuko hanggang sa malagpasan namin.

"Grabe! Ngayon lang ako makakasakay ng ganito kagarbong kalesa! Anim ang kabayo at puro ginto ang disenyo! Astig!" namamanghang sabi ni Cheno.

"Pwede ba kaming sumakay dyan, Athana? Meron namang ibang kalesa." tanong naman ni Elissa.

Napansin ko namang sumimangot si Cheno na ikinatawa ko.

"Hahaha! Huwag ka ng sumimangot Cheno. Dito talaga tayo sasakay. Pwedeng-pwede kayong sumakay dyan kahit anong oras niyo gusto. Halika, sumakay na tayo."

Sumigla naman ulit si Cheno at bumelat pa kay Elissa. Si Chronis naman ay tahimik na pinagmamasdan ang loob ng kalesa.

Tahimik ang naging byahe namin papunta sa sentral ng Aepygero Kingdom. Hindi pa man kami nakakarating sa mismong sentral ay rinig ko na ang tunog ng trumpeta na nagpapahiwatig na dadating ang isang miyembro ng maharlika.

Hindi ako sanay sa ganito. Kung sa loob ng kastilto ay naiilang na ako kapag masyadong magalang at pormal ang pakikitungo sa akin, paano pa kaya kapag lahat na ng nasasakupan namin.

Nang marating ang bukana ng sentral ay tumigil na ang kalesa. Binuksan ng isang prostatis ang pinto ng kalesa at naunang bumaba iyong tatlo.

Pagkababa ko ay sabay-sabay na yumuko ang lahat. Sumenyas naman akong ituloy na nila ang kanilang ginagawa.

"Elissa, pwede na muna kayong maglibot." sabi ko.

"Silang dalawa lang naman ang gustong maglibot. Sasamahan na lang kita." sagot niya.

"Ganoon ba? Sige. Magkita na lang tayo dito mamaya, Cheno, Chronis." sabi ko sa dalawa.

"Sige po, mahal na prinsesa." nailang naman ako ng tawagin nila ako ng mahal na prinsesa.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon