Chapter 3

89 23 6
                                    

SEB'S POV

"Magikes Dynameis Academy! I'm officially back!" malakas na sigaw ko pagtungtong sa loob ng academy.

Naglakad na ako papasok at pumunta sa headquarters namin.

First day of class ngayon para sa taon na ito. At ngayon ay second year na kami sa tertiary level!

"Where na ba sila? First day na first day may balak atang magpalate! Ang beauty ko nasisira sa pagaantay." tanong ko kay Zopyros. Dalawa pa lang kami dito sa headquarters ng club namin, though, maaga pa naman talaga. Excited lang akong pumasok.

Every vacation ay umuuwi ang mga students sa kani-kanilang pamilya. Ang iba naman na wala ng mauuwian ay sa dorm nila nagi-stay. As for me umuwi ako sa kingdom namin. Eto namang kasama ko ay dito nag-stay sa headquarters.

Wala akong natanggap ni isang salita mula sa kaniya. Napakasungit talaga ng lalaking ito.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto.

"Sa wakas naman ay may makakachismisan na ako! Mapapanis ang laway ko ditey, sa sungit ba naman ng kasama ko." pambungad ko kila Nerees, Pyrrhos at Ice, na sabay-sabay dumating.

"Hiiii Sebiiiiiiiiiiii! I miss you!" malakas na sigaw ni Nerees at yumakap pa sa akin.

"Ang OA mo naman teh! Parang last week lang ng magkita tayo! Ano isang taon lang?" biro ko dito.

"Phot, pre! Musta? Tagal natin di nagkita ah. Di kasi ako nakasabay sa inyo magenroll." bati ni Pyrros kay Zopyros.

"I told you to stop calling me that name, Effie." malamig na sabi ni Zopyros.

"Sabi ko nga." sagot nalang ni Pyrrhos dahil sa tinawag nito sa kaniya.

Ang buong pangalan kasi ni Zopyros ay Photine Zopyros Phaidra, ayaw na ayaw niyang tinatawag na Photine dahil pang babae raw. Ganon din si Pyrrhos dahil ang second name niya ay Effie, Pyrrhos Effie Ceto-Pyralis. Ayaw na ayaw niya rin sa second name niya dahil pang babae rin daw pakinggan.

As for me, gustong-gusto ko ang mga name nila na iyon dahil pusong babae po ako. Katawan ng lalaki na may pusong babae.

"HELLO GUYS!"

"Ay pusong babaeng bakla! Ano ka ba naman Chronis! Ang binabae kong puso baka biglang magbago dahil sa gulat ko sayo!" mabilis na sabi ko dahil sa pagkagulat.

Dumating na ang triplets, sila Chronis Epoch, Choras Elissa at Cheno Edeianos.

"Anong oras klase natin? Kumain muna tayo nagugutom na ako eh." tanong ni Cheno.

"Kakakain lang natin gutom ka na naman." masungit na sabi ni Elissa.

"Di ka pa nasanay sa kapatid mong matakaw, Elissa." sabi ni Nerees.

Nagbatian muna kami at naupo sa malaking sofa.

"Guys may sasabihin ako!" biglang sigaw ni Ice.

"Ano yon?" sabay-sabay naming sabi bukod syempre kay Zopyros.

"Narinig niyo ba yung mga sinasabi ng students? May new students daw. Dalawang magagandang binibini raw ang nagenroll dito sa academy nung araw din na nagenroll tayo."

"Really?! Sana mapabilang sila sa club natin kung ganoon! At kung mangyari man yon, please lang Ice, wag mo silang isama sa collection mo ng babae!" masayang sabi ni Nerees.

"Siguraduhin mo lang na matatalo nila ang beauty ko no'! Kung talagang magaganda sila bakit hindi natin sila nakita noong nagenroll tayo, eh kasama ka namin Ice, paniguradong makikita mo kaagad sila." sabi ko.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon