Chapter 1

220 8 0
                                    

Chapter 1: 3 years later

"O my god! Gago? Kila!?" Nanlalaking matang sabi ni Chloe nang makita akong papalakad sakanya, dala dala ang maleta ko.

"Hi!" Bati ko at binesohan siya sabay yakap.

It's been a good three years. I've been gone for three years ever since I left.

Last year ko nalang rin ng med school after I come back there. I just went home for vacation. To also celebrate Christmas and new year with my family and friends.

Ever since I settled down at New York, I started feeling free. Nagpagupit ako, nagpakulay ng buhok katapos. I maintained my blue-black hair color and also the length.

Shoulder length na siya ngayon hindi katulad noong una kong taon sa US na waist length and super unhealthy.

I started taking my therapy sessions and I started eating regularly. Lana helped me through my battle. She always asks me if I was fine, if I was doing okay.

Siya parati ang nandiyan para sa 'kin. Without Lana I think I wouldn't survive med school and my life.

Eventually pain started to fade. It was such a long process. A long process of pain and countless nights of nonstop crying.

Lana joined me with the pain I was feeling. She was there to support me, even though she was super busy with shoots.

"The frick, Kila? I'm shook!!!" She said, hugging me tight.

"Ampotcha, Chloe! Aray masakit!" Nasasakal na kasi ako sa yakap niya. Para namang ang tagal kong nawala.

"Sorry! O my god, is this really you??" Aniya, sinusuri pa 'ko mula ulo hanggang paa.

I was aware I gained weight. No, not unnecessary weight but good weight, I also gained some muscles. I look really healthy now, unlike the last time she saw me personally.

"Shet, OA na ba 'ko? Pero ang ganda mo?" Tanong niya ulit, parang ang hirap naman ata paniwalaan na kinaya ko lahat?

"Wala kang lipad?" 'Yon nalang ang naitanong ko. Para naman hindi niya na 'ko puriin pa.

"Nag-leave ako para sa 'yo! I really missed you," aniya, at hinalikan ako sa pisngi.

"Si Serina asa court ngayon, Si Kieffer naman may shoot, mga walang kwenta hindi man lang nag-leave!" Para namang ikatatampo ko kung hindi nila ako nasundo?

"Gaga, okay lang 'yon. Tsaka Atty. na si Ina, hindi niya pwedeng isantabi 'yon 'no. Si Kieffer naman, sige acceptable na. Kailangan niya ng pera," natatawa kong wika.

"Oo nga pala," tumigil siya sa paglalakad, ganoon rin ang ginawa ko.

"May reunion daw," pagbubukas niya ng topic.

"Reunion? Para saan? Hindi naman tayo pare-parehas ng university na pinag-aralan ah?" Hindi naman talaga. "Ateneo kaming dalawa ni Kieffer, tapos ikaw La Salle, tapos si Ina UP paanong reunion?"

"Gaga, hindi college! Highschool raw! Tsaka paano nasama si Ina? Di natin ka-batch 'yon!" Aniya at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa parking . Sumunod lang ako sakanya habang dala dala ang bagahe ko.

Our Delayed Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon