Jeon Jungkook
Today is the second day na magmimeeting kami about sa project. So I'm expecting na mamimeet ko na din yung ibang cast. And also I’m expecting na mga beteranong aktor at aktres din ang makakasama namin.
As usual maaga nanamang umalis ang asawa ko dahil mag aasikaso daw sila ng mga schedule for fan meetings and concerts. Usual na ginagawa niya. Masyado siyang attached sa mga fans niya kaya naman madaming nagmamahal sa kanya.
Nag prepared na din ako para umalis. Sa cafe nalang ako katabi ng company dadaan to buy breakfast. Wala na din ako sa mood magluto dahil parang mas type kong magkape nalang muna.
Before driving nagtext na ko kay Namjoon Hyung na papunta na ko sa company. 9AM ang start ng meeting pero 8:30AM palang on the way na ko. 15 minutes travel lang from home to work lang ako. Di din naman ako kaskasero mag drive dahil mahal ko ang buhay ko. Pagdating ko sa company at pagka park ko I recieved a text from Hyung na ako nalang ang hinihintay.
Huh? Ang aga naman ata nila? Nandon na sila agad lahat? Hindi ba sila masyadong mga excited? Pero maigi na din yan kesa ako nanaman ang maghintay ng pagkatagal tagal.
Dumaan na muna ako sa cafe and nag take out ng Americano. Pagkakuha ko ng order ko umalis na din ako kaagad at bumalik sa company. Nakakahiya kung maghihintay sila ng matagal.
Pagdating ko sa meeting room nandon na nga silang lahat. Including Taehyung and his manager. Wow aga nila. Himala ata.
I greeted them ‘goodmorning’ at naupo na. Nagsimula na din umusap si Direk.
"Okay so kumpleto na tayo. Mr. Jeom, I know you know him already this is Mr. Park Seo Joon. And this girl her name is Kim Dahyun same as Taehyung eh baguhan din sya sa acting field." Sabi ni Direk at tumango lang ako.
"Mr. Park will be your rival kay Taehyung in this story. And as you can see Ms. Dahyun will be your wife. Uunahan ko na kayo. May mga scenes na mabibigat dito. If you guys wanted, pwede niyo namang basahin ang mga sample scripts. I recommend to Taehyung na manood ng mga gay movies so you could pick an idea kahit papaano.” Dagdag pa niya.
Nakikinig lang kaming lahat. And of course pag may itatanong need pang itaas yung kamay. Parang classroom lang.
"So Mr. Jeon, your character name will be Jayson. Taehyung, will take the character name of Sam. Ms. Dahyun as Natashia and Mr. Park as Mark." He said.
“How about the kissing scenes? Meron ba?” Curious kong tanong.
“Of course Mr. Jeon! Mawawala ba yun? May problema ba if ever may kissing scenes?” Tanong ni Direk pabalik sakin.
Umiling ako. “Wala naman. Saakin wala. How about to Taehyung?” Tanong ko habang nakatingin sa binata.
Nakita kong parang nagulat siya sa tanong ko at nahihiyang napatingin sakin.
“A-Ah eh trabaho ko naman po yun kaya okay lang po sakin.” Nahihiya niyang sabi.
“Well, that’s a good answer! So wala na ba tayong problema?”
Nagtanguan kaming lahat bilang sagot.
"That's all for today. Be ready for tomorrow dahil bukas na din ang first shoot naten. Sa private bar so wag kayong mag alala. "Tumingin sya saken. "Mr. Jacob, can I ask a favor? Can you teach Mr. Kim ng mga
techniques sa acting para magka idea na rin sya? Mas better kasi kung beterano ang magtuturo sa kanya.” He said.Tumango ako at ngumiti. May point si Direk. Para na din di ako mahirapan sa katrabaho ko.
Pumalakpak ulit sya ng isa. "Mauna na kame ng team dahil aayusin pa namin ang set up ng pagsu-shootingan, so I'm expecting all of you will be there tomorrow on time. Thank you so much everyone." Sabi nya ulit at tumayo na.
Nagpasalamat at nakipag kamay ang ginawa namin bago sila naglabasan. Bukod sa mga cast and managers na naiwan dito sa loob.

BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
Hayran KurguJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...