Kim Taehyung
Ilang oras din kaming naglibot sa dito sa mall. Biglang namang tumunog yung phone ni Chim. Tumingin muna siya sakin tsaka sinagot yung tawag tsaka lumayo.
At bakit may paglayo? Ano to? Baka nanglalalake tong bestfriend ko ah. Sampal talaga to sakin pag niloko niya pinsan ko.
Sa tagal nilang dalawa ngayon niya pa naisip na lumandi? Nako nako!
"Bes. Tara na? Hatid na kita sa inyo." Sabi niya na parang nagmamadali.
Weird din ng isang to. Typically, hindi siya nag aaligaga kapag nasa galaan kaming dalawa. Wala siyang pake basta kasama niya ako. Tapos ngayon magdadali siya?
Baka sadyang importante lang.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Wala tumawag si Babe, uuwi daw sya ng maaga kaya need ko na makauwi. Nagrerequest kasi siya ng favorite food niya. Pero hatid na muna kita sa inyo. Tara na." Sabay hatak sakin.
Hm okay?
Habang nasa byahe kami check ako ng check ng phone ko. Wala manlang tawag o message si Mr. Jeon sakin. Napabuntong hininga nalang ako.
Dapat ba akong magtampo? Karapatan ko naman siguro hindi ba?
Pagdating sa bahay nagtataka ako bakit may mga nakapark na kotse sa labas? Kotse ni Hobi Hyung yung isa. Akala ko ba busy siya?
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako at may petals ng rose sa sahig.
Napalingon ako kay Chim. Nakangiti lang siya saakin tapos sinenyasan lang nya ako na sundan ko yung mga petals. Kaya naman yun yung ginawa ko.
Paakyat na ko ng hagdan. May mga scented candles pa sa kabilaang gilid ng hagdan. Sinundan ko lang hanggang sa nakita kong papasok sa kwarto namin. Dejavu? Ganito yung sinabi sakin ni Chim nung tinanong ko siya kung anong magandang regalo sa 1st anniversary. Hindi ko alam kung matatawa ba ako eh.
Pagbukas ko ng pinto puro petals ng rose yung sahig at mga balloons. May heart shape pa na petals sa kama at may nakapatong na maliit na box. May nakapatong din na printed letters na nakalagay 'happy anniversary'
Nakita ko si Mr. Jeon na nakatayo sa tapat ng kama. May hawak na boquet. Tapos nakangiti.
Lumapit siya sakin at ako hinalikan sa labi.
"Happy Anniversary Mahal." Sabi niya sabay inabot sakin yung bulaklak.
Napaiyak ako bigla.
"Oh bakit ka naman umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya sakin habang pinupunasan yung luha ko.
"A-Akala ko kasi nakalimutan mo. D-Di mo manlang ako binati buong maghapon." Sabi ko habang naiyak na parang bata.
"Pwede ko ba namang makalimutan tong araw na to? Pinaka memorable sakin tong araw na to kaya di ko to makakalimutan." Sabi niya at niyakap ako. "Sorry na." Dagdag niya.
Hinarap niya ko sa kanya.
"Teka." Saka nya kinuha yung box sa ibabaw ng kama. Pagbukas niya necklace.
"A simple gift for you Mahal." Sabi niya at sinuot sakin yung kwintas.
I kissed him ng matagal.
"Thank you. Happy Anniversary." Napatingin ulit ako sa ayos ng kwarto. Nagtaka ako pano niya nagawa to ng mabilis?
Nahalata niya yata na nagtataka ako kaya nagsalita siya agad.
"Um. Tinulungan ako nila akong lahat. Nasa baba sila sa may garden. Nakaready na din doon yung mga foods at drinks. This idea is from Chim. You know I really can count on your bestfriend when it comes to you." Sabi niya habang nakangiti. So, kasabwat pala sila?
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...