Jeon Jungkook
Nagulat ako sa mga nangyare. Sinong may pakana ng lahat ng to?! Hindi ako aware na may tatraydor sakin pero isa lang ang alam ko at kutob ko na nasa likod ng gulong to.Hinanap ko kagad si Taehyung. Nakita ko syang inaalalayan ng Jin Hyung nya palabas habang pinagkakaguluhan ng mga pres.
Tatakbo sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni Namjoon Hyung kaya napalingon ako sa kanya.
"Gguk, huwag. Unahin mo si Ji Eun. She's still your wife." Sabi niya saken.
Tumingin ako sa katabi kong parang naestatwa sa nakita at napanood niya. Hinawakan ko sya sa kamay at hinatak sa mas malapit na exit bago kami mapansin ng pres at habulin din kami.
Good thing mabilis ang mga staff at naharangan sila at tuluyan kaming nakalabas ng venue.
Pinaharurot ko ang kotse ko pauwi ng bahay. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko. Halos hindi mag function sa utak ko yung nangyayare. Halo halo na. Si Taehyung ano kayang nararamdaman nya ngayon? At tong kasama ko? Kelan pa nya ko ginagago?
Pagkapark hinatak ko kaagad sya papasok sa loob at tsaka iniharap saken.
"Kelan mo pa ko ginagago?" Seryosong tanong ko sa kanya. Tulala lang sya at di naimik.
"Kelan mo pa ko ginagago?!" Sigaw ko sa kanya at napapitlag sya sa gulat.
"T-That's not what you think Jungkook." Nauutal nyang sabe.
"Bobo ba ko ha?! Tingin mo?! Dalawang taon tayo! Yung picture na yon kakakasal lang naten non hindi ba?!" Sigaw ko ulit sa kanya.
Napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha. Tangina. Akala ko, akala ko ako ang nagloloko. Puta mas nauna pa pala akong iputan sa ulo ng asawa ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung anong dapat kong maging reaksyon.
"Bakit ba ako ang ini-enterogate mo ha?! Ikaw?! Ano yung picture na naghahalikan kayo ni Taehyung?! All this time bakla pala kabit mo?! Shit Jungkook!! Mas matatanggap ko pa sana kung babae eh. Kaso bakla?!" Sigaw nya pabalik.
"Wag mong ibalik saken ang tanong ko sayo Ji Eun!! Bullshit!!" Sa sobrang inis ko napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Nakakafrustrate na sobra.
Napahawak ako sa maliit na vase na malapit sa hagdan at tsaka ko binato sa pader malapit sa kinatatayuan niya.
"Answer me Ji Eun! Kailan mo pa ako ginagago?!" Sigaw ko ulit sa kanya.
Nag umpisa na siyang umiyak. Tangina wag mo kong artihan! Ayoko sa lahat yung ganito. Masyadong madrama.
"N-Nung bago tayo i-ikasal, m-may nangyare samin ni Manager Kang. T-Tapos ayaw nyang bumitaw sakin. He even treated me na pag hindi na ako nakipag kita sa kanya sisirain nya career nating dalawa." Sabi niya habang umiiyak.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Whole the time iniiputan nya lang ako sa ulo? Huh! Akala ko ako lang ang makasalanan. Mas makasalanan pa pala tong kaharap ko.
Ang kapal ng pagmumukha nitong lumapit saakin sa pagtulog ayun pala may ibang lalaki siyang sinisipingan.
Biglang tumunog yung phone ko. Pag open ko, MMS.
Picture ni Ji Eun at Manager Kang na magkasama, masaya silang dalawa. Mukang walang pamimilit na nangyare sa itchura ni Ji Eun dito. Mas mukha pa nga silang mag asawa kung titignan. Para pating ang gagara ng mga date na ibinibigay sa kanya ng lalaki niya. Madaming pictures. At sa panghuli may message pa.
'DID YOU LIKE IT JEON? NICE SHOW ISN'T IT?'
Fuck! Tama nga ang hinala kong si Seo Joon ang may kagagawan nito. Gago ka Park. Lintik na ang walang ganti.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...