Kim Taehyung
"Ang kapal talaga ng mukha niya! Nang gigigil pa din ako hanggang ngayon!" Bulalas ni Chim. Isang oras na ang nakakalipas ng makaalis si Dahyun pero hanggang ngayon si Chim nagpupuyos pa din sa galit.
Buti nalang at hindi naglabasan yung mga bata kanina dahil pinakuha daw kaagad ni Kuya Jin sa mga yaya nila yung mga bata at ipinapasok sa loob ng bahay.
"Ano ba kasing nangyari at humantong nanaman kayo sa sakitan?" Tanong ni Hobi Hyung na katabi ang asawa niya na si Ate Christine.
"Pagbukas ko ng gate siya ang bumungad sa akin. Kung hindi ba naman talaga nuknukan ng katangahan ang dumadaloy sa katawan ng babae na yun, sinabihan ba naman ako na pakawalan ko na daw si Jungkook at hayaan ko na silang dalawa na magsama." Pati tuloy ako hindi makakalma. Naaalala ko yung lumabas sa maduming bibig ng maduming babae na yon eh.
"Ang kapal naman ng mukha niya. Talagang sinabi niya sayo yon?" Rinig din sa boses ni Ate Christine ang pagka inis.
"Oh buntis. Huwag ka ng makisali at baka ika'y mapaanak pa dyan ng wala sa oras." Sita sa kanya ni Kuya Jin.
"Pati ako naiinis. Nakakailang ulit na ba tayo ng sabi na ang kapal ng mukha niya? Kasi totoo naman. Ayoko man iadmit sa sarili ko ito pero tama lang sa kanya yung nangyari kanina." Pagsali naman ni Suga Hyung sa usapan.
"Akala ko sa pelikula lang siya ganyan. In real life din pala? Kakaloka. Nako! Huwag lang magku-krus ang landas namin dahil hindi pa ako tapos sa kanya at baka makalbo ko siya!"
Si Chim talaga ang hindi maka get over. Gusto ko nga matawa pero seryoso siya sa galit na nilalabas niya.
"Change topic tayo. Ikaw ba Taehyung? Kailan mo balak kausapin asawa mo? Huwag mo ng patagalin yang tampuhan niyo. Lalo na at umaaligid yang hayop na babae na yan. Huwag kang papatalo sa kanya." Sabi ni Kuya Jin sa akin.
Natigilan ako.
Oo nga kailan ba?
"Masyado pang sariwa Kuya. Wala pa akong lakas ng loob makita siya." Sagot ko.
"Huwag niyo siyang pilitin. It takes time." Sabat ni Hobi Hyung.
Nag change topic nalang sila para hindi na mag tuloy tuloy ang init ng ulo ni Chim. Pati na din daw hindi na ako maapektuhan pa sa nangyari. Hindi nila alam kahit hindi pag usapan yon palagi ko pa din naiisip.
Nagluto nalang din kami ng mga pagkain for lunch at nag isip ng mga pwedeng gawin para malibang.
Pero kahit na nagbibigay ang tropa ng effort para makalimot ako kahit papaano ay hindi ko pa din maiwasan na isipin si Jungkook.
Malaki ang puwang niya sa puso ko. Mahal na mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko. Hindi ako nag iinarte, hindi niya ako masisisi dahil nasaktan ako. Buo ang tiwala na ibinigay ko sa kanya.
Sana manlang naisip niya na hindi sirain yung tiwala na ibinigay ko sa kanya pero mali ako. Sinira niya pa din.
Kinabukasan, maaga akong nag ayos. Balak kong bumisita ulit sa sementeryo. Gusto kong makausap si Ji Eun. Sa kanya ko gustong ilabas mga saloobin ko.
"Saan ka pupunta bunso?" Tanong sa akin ni Kuya ng makapasok siya sa kwarto ko.
"May pupuntahan lang ako Kuya. Ikaw na muna bahala kay Min So ah? Huwag mo din palalabasin Kuya. Magpapaalam nalang ako sa kanya." Sagot ko.
Tumango tango naman siya at hindi na nagtanong pa.
"Sige mag iingat ka." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...