Episode 9

2.2K 72 5
                                    

JEON JUNGKOOK'S POV:

Buong byaheng wala kaming imikan ni Namjoon Hyung. Maybe he was thinking I need space. Hinatid nya lang ako sa bahay and umalis na din sya.

Pagpasok ko nakita ko si Ji Eun sa may sala. Dali dali syang lumapit sakin at niyakap ako.

"I was so worried to you last night. San ka ba nanggaling? Tawag ako ng tawag sayo." Sabi niya na malambing. Anong nakain neto? Kagabe lang halos parang papatay na sya sa galit.

"Kala Namjoon Hyung." Tipid kong sagot.

"Look Gguk. I'm sorry about last night." Sabi niya. I'm not buying it. Kaya tinignan ko lang sya at akmang tataas na sa kwarto.

"Mr. Park called me kanina and saying na kay Dahyun yung bracelet pero sya ang nagbigay. He even said na pinatago nya sayo yon before nya ibigay kay Dahyun." Sabi niya na ikinagulat ko. Si Park? He made a story? Para saan?

"He also said na di nya nasabi agad kasi di nya naman alam na paghihinalaan ko yon. I want to apologize to Dahyun also." Sabi nya ulit pero di ko na sya pinakinggan at umakyat na ko sa taas at saka naligo at nagpalit ng damit.

Bumaba na ako at balak kong pumunta kay Seo Joon para komprontahin sya.

"Saan ka pupunta? Kakauwi mo lang ah?" Sabi ni Ji Eun at di ko sya pinansin at tuloy tuloy akong lumabas.

"Gguk!"

I started driving and made my way to Seo Joon Park's place. I know where he lives. Pagkarating nagdoor bell agad ako.

Good thing sya ang nagbukas.

"Oh. Siguro nasabi na sayo ng asawa mo. Magaling ba akong gumawa ng kwento Mr. Jeon?" Pangbungad nya saken. Anong alam netong gagong to?

"Oh bat di ka naimik? Let's just say na alam ko ang lahat. Kaya kung ako sayo mag iingat ako. You shouldn't put Taehyung also in this situation." Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. I grab his shirt at saka ko sya tinitigan sa mata.

"Anong alam mong gago ka?" Gigil kong sabe.

"As I told you alam ko lahat. Kung ako sayo ipaubaya mo nalang sakin si Taehyung." Sabi niya. Nagpantig ang tenga ko kaya nasapak ko sya.

"Hindi mo makukuha sakin si Taehyung." Sabi ko sa kanya.

"Really? Hindi ba talaga Jeon? Kaya ko. Kayang kaya ko. One snap of my fingers at mawawala sayo lahat." Sabi niya at tumawa sya.

"Gago ka!" Sasapakin ko pa sana sya ng awatin na ako ng bodyguards nya at saka ako hinatak papunta sa kotse ko. Tinulak nila ako saka iniwan don.

Nakita ko naman si Park na nginisian ako.

Tangina. Tangina talaga.

Napahilamos lang ako ng kamay ko sa muka ko at napasuntok sa manubela.

Shit!

***

KIM TAEHYUNG'S POV:

Hindi ko pa nakakausap si Mr. Jeon simula nung dito sya natulog. Ilang araw nadelay ang shoot gawa nung gulo na nangyare nung gabing yon.

Ano na kayang nangyayare? Nagiging kumplikado na ang lahat.

Nag ring yung phone ko and nakita kong si Mr. Jeon yung natawag.

"Hello Mr. Jeon?"

[Hello baby. Miss na miss na kita.]

Napangiti ako sa boses nya. Napaka lambing talaga.

"I miss you too Mr. Jeon."

[Pasensya kana. Inaayos ko pa yung gulong ginawa ni Ji Eun nung gabing yon. Isang linggo na kita hindi nakikita Tae. Miss na kita.]

"Ganun din naman ako Mr. Jeon. Sobrang miss na miss na kita. Ano na nga palang balita? Kelan mo ba balak sabihin kay Ji Eun ang totoo?"

[Tae, wag muna ngayon. Ang complicated pa ng nangyayare eh.]

"Mr. Jeon, magkakalahating taon na tayong patagong nagmamahalan. Pano naman ako?"

[Please give me more time to make a move. At please mag iingat ka kay Seo Joon. Anyways, nandito na ata si Ji Eun. I'll call you again. Bye. I love you.]

"I love----" Di pa ako tapos magsalita ay pinatayan nya na ako.

Napabuntong hininga nalang ako.

Napansin kong may isang text message mula sa isang unknown number. I open it at nanlaki ang mata ko.

'I KNOW EVERYTHING SO BE CAREFUL'

Kinilabutan ako sa nabasa ko. Sino to? At anong alam nya?

----

Vote ☑
Comment ☑

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon