Kim Taehyung
As expected, halos mabatukan na ako ni Hobi Hyung ng makita nya ko kanina. Gigil na gigil talaga siya. Hihimatayin na daw sya kakahanap saken. Di manlang daw ako tumawag o nagtext sa kanya para nasundo ako. Hay nako.
On the way na kami sa set ng LOVE AFFAIR at binabasa ko na din yung pinahiram sakin ni Mr. Jeon na notes. Madami din naman akong napupulot na idea dito. Base na din sa mga nababasa ko, parang nakikita ko na agad kung gaano kagaling sa larangan ng aktingan si Mr. Jeon. Nakakapressure.
Tinapik ako ni Hobi Hyung. Nandito na pala kami sa set. Nagkalat na din yung team ni Direk sa labas. At shempre, gabi ngayon. 10PM na. Mas gusto daw ni Direk na ganitong oras para kumita muna yung bar ng kahit konte. Tsaka namin gagamitin for the shoot.
Hinanap na namin yung tent ko. Nabasa ko yung name ko na nasa ibaba ng name ni Mr. Jeon.
Huh?! Magkasama kami sa iisang tent?!
Pinapasok na ko agad ni Hobi Hyung dahil aayusan na din daw ako.
Napatingin ako sa paligid. Nandito si Namjoon Hyung, yung hairstylist, make up artist pati PA ni Mr. Jeon.
"Goodevening po." Bati ko sa kanila. Napatingin naman saken yung mga tao sa loob tas si Mr. Jeon nakatingin lang saken sa salamin.
Ang gwapo lalo. Long hair, tas ang musculine.
I mentally slap myself dahil sa kagagahan ko.
Naramdaman ko nalang na kinuha nung make up artist ni Mr. Jeon yung kamay ko at hinatak ako ng malumanay paupo sa katabing salamin ni Mr. Jeon.
"Hi. I'm Suzy. Make up artist ako ni JK." Sabi nya while smiling at nakipag kamay saken.
"Taehyung po. Tae for short po." Sabi ko naman.
"No need to be polite Tae. We all know you na. And please be comfortable kasi kami na lagi makakasama mo at magaasikaso sayo." Sabi naman nung isang babae na nag aayos kay Mr. Jeon.
"By the way ako nga pala si Minsey. Hair stylist ni JK. Napaka bata mo pa. How old are you na ba?" Sabi nya. Maganda din tong mga to. Kahit medjo mga nasa pa 30's na sila. Sa tingin ko?
"20 lang po." Sabi ko na nahihiya.
Pansin ko kanina pa di naimik si Mr. Jeon, and nakakapagbigay sakin yun ng uneasy feeling. Parang ang awkward kasi ng paligid. Nagbabasa lang sya ng script sa upuan nya kasi tapos na syang ayusan.
Yung ayos nya? Naka suit sya. Mukang business man. Grabe naman ang gwapo. Di ko maiwasan titigan sya. Kaso ayaw ko pahalata.
Nilibang ko nalang yung sarili ko sa kaka scroll ng social media ng biglang may natawag sakin. Videocall. Nakita ko yung name ng Kuya ko.
I immediately answered it, and tumambad sakin ang napaka gwapo nyang mukha. He also have this face na sa sobrang gwapo muka ng babae.
[Taeeee my baby.]
"Kuyaaaa. Bat ngayon mo lang ako tinawagan?! Dami ko na din missed calls sayo. Grabe ka naman." Sabi ko na naka pout. Ngumiti naman sya at medjo nahiya ako dahil rinig ng lahat yung boses ni Kuya.
I looked for my bag and suddenly napatingin ako kay Namjoon Hyung na napatigil sa ginagawa nya at napatingin sakin.
"Um. Naabala ko po ba kayo? Pasenysa na po." Sabi ko at nag excuse muna saka lumabas muna ng tent. Shempre nagpaalam ako sa kanila.
[Tae? Nasan ka? Bat parang nasa set ka? Kim Taehyung are you hiding something from me?! May nangyayare ba sayo na di ko nalalaman?]
I sighed.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...