Episode 17

2.8K 70 9
                                    

Jeon Jungkook

Nagpaalam si Taehyung na mag restroom lang daw siya. Biglang lumapit sa akin si Kuya Jin at nakangiti.

Ngayon nalang ulit kami nagkita pero ang pleasant ng pagkaka welcome niya sa akin dito sa party niya.

"Sa amin na muna si Min So. Sundan mo na si Taehyung. Yung restroom pagpasok mo sa loob kumanan ka tas sa dulo nung hallway nandoon yung pinto yun na yon." Sabi niya sabay kinuha yung kamay ni Min So sakin.

"Go get back your other half." Sabi pa ulit niya sa akin tsaka tinapik ako sa balikat.

"Thank you Hyung." Nakangiting sabi ko naman sa kanya.

"Saan po punta Daddy?" Rinig kong tanong ni Min So sa kanila..

"Susundan kana nila ni Mama mo." Sagot naman ni Jimin.

Natawa nalang ako at dere deretchong pumasok sa loob.

Sabi ni Jin Hyung kakanan kaya naman sinunod ko yung sinabi niya. May mga nakakasalubong ako na mga bisita at mga waiters dito sa loob.

Maganda yung pagkakagawa ng bahay na animoy isang mansyon. Nakakatuwa naman at nagawa nilang magkapatid na magpundar ng sariling kanila ng magkasama.

Ng makarating sa dulo ng hallway nakita ko na yung pintuan ng restroom. Well, hindi ka naman maliligaw dito. May label ang mga pintuan. May nakalagay sa taas kung anong nasa loob ng mga pinto.

Katulad nalang nitong pintuan sa harap ko. May label sa taas na 'restroom' kaya hindi ka talaga maliligaw.

Pagbukas ni Taehyung ng pinto halatang nagulat sya. Lalagpasan nya sana ako pero hinarang ko yung kamay ko at hinila ko sya pabalik sa loob ng restroom.

"Ano bang ginagawa mo?" Galit niyang tanong sakin. Hindi pa din siya nagbabago. Mas lalo siyang gumanda. Mas lalo akong nahuhumaling sa angkin niyang kagandahan at kainosentehan.

"Ikaw pa ang may ganang magalit sa akin matapos mo kong iwanan sa ere?" Seryoso kong sabi sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Ayokong kumurap. Baka kasi pag kumurap ako mawala nanaman siya sa paningin ko.

"Wala akong panahon pag usapan yan padaanin mo ko." Pilit siyang kumakawala sa akin. Halata na sa boses niya yung pagkairita.

"Hindi. Hindi kita pakakawalan. Tatlong taon akong nangulila sayo. Hindi mo manlang ako sinabihan at basta mo nalang ako iniwanan ng hindi mo manlang inalam kung anong planong gagawin ko." Mahabang sabi ko sa kanya. Ayoko sanang makaramdam ng galit o inis. Pero hindi ko maiwasan.

"Tama na. Sapat na sa akin na naging kabit mo ko. Ayoko ng maulit pa yon." Sabi niya.

Ganun ba? So pagkakamali lang talaga ang tingin niya sa sarili niya?

Tumigas ata lalo ang ulo ng isang to.

"Sa tingin mo papayag ako ng ganun ganun lang? Paparusahan pa kita sa pag iwan mo sa akin." Pagkatapos ko sabihin yan ay hinalikan ko sya sa labi.

Pumipiglas pa sya. Pero hinawakan ko sya ng maghigpit sa bewang.

I kissed him deeply. And he can't resist it. He kissed me back.

Huh. Magmamatigas ka pa sa akin, pero ramdam ko sa mga halik mo na sabik ka din sakin Taehyung.

"I miss you much Tae." I said between our kisses.

"Please be mine again." Sabi ko sabay hinalikan sya ulit.

Our kisses become deeper. A kiss full of love, excitement and lust.






























𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon