Episode 16

2.6K 66 7
                                        

Jeon Jungkook

Umuwi kaming mag ama at ako parang nalugi. Hindi din namin na enjoy ang father and daughter day naming dalawa.

Inilapag ko na si Min So sa higaan niya at pinapalitan ko na ng damit sa yaya niya.

Kinontak ko agad si Jimin para ipaalam yung nakita ko. O baka may alam na din sila. Dahil siguro naman sila ang unang pupuntahan o kokontakin ni Tae pag nakabalik na siya.

Tatlong rings tsaka sumagot si Jimin.

[Hello Mr. Jeon?]

"Jimin. Pwede ba kayo pumunta dito sa bahay? May sasabihin lang ako. Tawagan mo na din si Hobi Hyung. Ako na bahala kay Namjoon Hyung."

Hindi na din sila naiiba sakin. Sa lahat ng pinagdaanan ko nandyan silang lahat para damayan ako.

[Okay sige. Just wait us there.]

Tapos pinatay na niya yung tawag. After that si Namjoon Hyung naman ang tinawagan ko. I told him to come here also.

After an hour nagdatingan na nga sila. Maaagap talaga ang mga ito.

"Anong meron pre?" Sabi ni Yoongi Hyung pagkaka upo nila.

"Kanina kasi nagpunta kami sa mall ni Min So. Tapos nung nagwiwithdraw ako ng cash bigla syang nawala. Nakita ko siya sa office ng mga guard dahil nakita siya nung isang gwardya sa tapat ng Jollibee umiiyak." Kwento ko. Nakikinig naman sila.

"Talagang pinapunta mo pa kami dito para ikwento yan?" Sabat bigla ni Namjoon Hyung.

"Teka kasi hindi pa naman ako tapos." Bigla siyang tumahimik.

"Nung tinanong ko si Min So kung saan sya nagpunta. Sabi niya nakita nya daw yung Mama niya. He's back." Sabi ko.

Nakita ko yung gulat na ekpresyon sa muka nilang lahat. Maliban kay Namjoon Hyung.

"S-Si bes?" Sabi ni Jimin na parang di naniniwala.

"Oo. Kaya dali dali akong naglibot sa mall. Tapos nakita ko syang nakatayo sa isang botuiqe. Nung nakita niya ako bigla syang umalis at naglakad ng mabilis tas nawala na sya. Kaya ko kayo pinapunta dito baka kasi may kinontak na siya sa isa sa inyo.." Sabi ko na naiinis. Lalo lang ako nafrustrate. Napahilamos ako sa mukha ko ng kamay ko.

Lalo ata akong mababaliw. Lalo na ngayong alam kong nandito na ulit sa Korea si Taehyung at nasa malapit lang sya.

"Hindi ka niya kinausap?" Tanong ni Hobi Hyung.

Umiling lang ako.

"Iba na itchura niya. Mukha na syang babae. Yung buhok niya hanggang balikat na pero pink padin." Sabi ko sa kanila.

"Baka naman hindi si pinsan yon pre?" Tanong naman sakin ni Yoongi Hyung.

"Hindi ako magkakamali. Si Taehyung yung nakita namin ni Min So. Nakita ko siya ng malapitan.." Sabi ko.

Napansin namin na kanina pa tahimik si Namjoon Hyung.

"Kuya? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Landon sa kanya. Napatingin siya samin.

"Naalala ko na tumawag sakin si Babe at sabi niya uuwi na sya dito sa Pinas. And mag papa-party siya sa bagong bahay niya dito. N-Naisip ko baka nandoon din si Taehyung?" Sabi niya na parang nag iisip.

"For sure nandon yon. Hindi yon mawawala sa ganyang paganap ni Bes. Tsaka feeling ko din magkasama sila tinago lang satin ni Bes eh." Sabat naman ni Hobi Hyung.

Oo nga. Bakit ngayon lang namin naisip yon sa loob ng tatlong taon. Sa lahat ng pwede niyang malapitang shempre Kuya Seokjin niya ang kauna unahan. Wala naman kasi akong kontak sa kanya. Si Namjoon Hyung naman, alam ko namang hindi siya mahilig makisawsaw sa mga issues ng ibang tao. Kaya hindi na ako naglakas ng loob magtanong sa kanya.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon