Episode 19

2.1K 72 21
                                    

Kim Taehyung

Hindi ko alam kung ano pa ba ito. Kung shooting pa ba o totoo na itong nangyayari?

Ayokong mag expect. Ayoko din paasahin yung sarili ko. Kasi baka masaktan lang ako.

Biglang nagbukas lahat ng ilaw sa buong theater. Madaming taong nakatayo sa may upuan at mga naka suit and gowns at mga nakamaskara.

Sabay sabay nilang tinanggal yung mga maskara nila at nagulat ako dahil nandito lahat ng kaibigan namin.

Sila Chim, Suga Hyung, Kuya Jin, Namjoon Hyung, Hobi Hyung, at si Ate Christine na girlfriend na ni Hobi Hyung. Mga staff. Mga producers. Mga kasamahan ni Jungkook sa company.

Nagpalakpakan silang lahat at sabay sabay silang sumigaw ng 'TAEHYUNG, SAY YES!'

At dun lang ako natauhan.

Is this a proposal?

Napatingin ako kay Jungkook na nakaluhod padin at nagsisimula ng lumuha.

Hindi ko na din napigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa tuwa.

"YES! YES MAHAL KO!" Sigaw ko.

Tumayo sya sa pagkakaluhod. Niyakap niya ako at hinalikan.

Nagsigawan yung mga tao. Pati si Min So na nasa tabi ko tili ng tili. Kahit na wala naman siyang alam sa nangyayari. Tuwang tuwa ang anak ko habang sinasalo ang mga nahuhulog na petals ng cherry blossoms.

Napatingin naman ako kay Jungkook ng kuhain niya ang kanang kamay ko tsaka inilagay yung singsing sa daliri ko.

"Deretcho kasalan na to Mahal ko." Bulong niya.

"See you sa simbahan guys!" Sabi niya ng naka mic at nagpalakpakan naman lahat ng tao at naghiyawan.

Ha? Ano daw? Wala akong idea sa nangyayari. Anong deretcho kasal? Seryoso ba siya?

Sinalubong ako ni Chim at Kuya Jin sa backstage kahit na lutang pa ako at wala sa sarili.

"Sa amin ka sasabay. Mauuna na yung mga boys sa simbahan. Mag reretouch ka muna." Sabi ni Kuya Jin pero hanggang ngayon hindi pa din nag sisink in sa akin yung nangyare.

"P-Paano nangyare to?" Tanong ko.

"We planned it a month ago. Tsaka na natin yan pagkwentuhan sa reception." Sabi naman ni Chim na hawak hawak si Min So sa kamay.

So sila nanaman ang kasabwat? Napagka-isahan nanaman nila akong lahat!

"Tara na." Aya saakin ni Kuya Jin.

I'm getting married?

I'M GETTING MARRIED!!!!



"Bes ano ready ka na ba?" Nakangiting tanong sa akin ni Chim habang nasa kotse kami. Si Kuya Jin ang driver tas nasa passenger seat si Chim.

Si Min So naman katabi ko at naglalaro lang sa cellphone ng Nanang niya.

"Kinakabahan ako bes. Hindi ko naman kasi ineexpect to. Pagka propose deretcho kasalan? Walang hinga hinga?" Sabi ko.

Totoo kinakabahan ako. Pero at the same time sobrang saya ko. Dati pangarap ko lang makasal kay Jungkook pero ngayon matutupad na.

"Surprise nga diba? Gaga ka din eh." At narinig ko namang tumawa si Kuya Jin.

"Palagi niyo nalang ako pinag kakaisahan. Kaya pala tanong ka ng tanong about sa kasal kasal na yan eh." Naka pout kong sabi.

"Ay arte mo teh?! Ikaw na nga itong sinurprise more emote ka pa dyan! Sakalin kita ng buhok mo eh!"

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon