Episode 8

2.4K 76 5
                                    

Kim Taehyung

Ganun pala yung nangyare sa Kuya ko. Ni hindi ko akalain na kaya akong patayin o ipapapatay ng sarili kong mga magulang. Sobrang saklap lang ng pinagdaanan niya kumpara sa mga hinanaing ko ng iwan nila ako dito at mag migrate sila sa US.

Nangulila ako sa magulang. Namuhay ako ng mag isa at iniisip ko na maswerte pa din si Kuya Jin dahil kasama siya nila Mom at Dad doon. Habang ako nandito lang mag isa. Umaasa na matutupad ko din balang araw yung pangarap ko.

For me, napaka sakit ng pinag daan niya. I also don't have any idea na kagaya ko din pala ang Kuya ko na isang pusong babae. And take note, boyfriend niya lang naman yung gwapong manager ni Mr. Jeon.

Nakakakilig at ang tragic ng love story nila at the same time. Ngayon, parehas na silang binigyan ng pagkakataon na ayusin yung naudlot nilang pagmamahalan dahil sa pagiging selfish ng parents namin.

How I wish I will expirience that too.

Iang araw ng nakakalipas simula nung bumalik si Kuya Jin dito sa lugar namin. Dahil nga sa isang apartment condo type lang ako nakatira, nag insist agad si Namjoon Hyung na sa kanya muna tumira si Kuya so they can both talk about their relationship. Inaaya nga nila akong dalawa kaso ayoko din naman. Kung sigurong bahay yon ng Kuya ko o-oo talaga ako. Kaso hindi eh.

Naiinggit ako sa kanila ni Namjoon Hyung. Masaya na sila ngayon na magkasama at malayang nagmamahalan. Kahit na ilang taon nawala si Kuya Jin at hindi manlang nakapag paalam kay Namjoon Hyung ng maayos, tinanggap niya pa rin yung Kuya ko.

Ako? Ilang araw na kaming di nakakapag usap at nagkakasama ni Mr. Jeon. Namimiss ko na sya. Simula ng umuwi si Ji Eun.

Ni hindi ko sya matext manlang o matawagan. Sa set? Hindi manlang kami makapag lambingan kahit pabiro dahil halos araw araw nandon si Ji Eun at daig pang body guard ni Mr. Jeon.

Naiinis na ako. Mababaliw na ko kakaisip kung anong gagawin ko.

Nagulat ako ng biglang magtext sakin si Mr. Jeon sakin. Walang mapaglagyan yung saya at excitement ko.

'Meet me at the hotel. Same time. Same room. May ipapadeliver akong box jan sa apartment mo. Wear that before pumunta don. And make sure no one would recognize you. I'll wait for you there baby. See you! I love you so much. Wag kang magrereply ha.'


After ko mabasa mga 30 minutes may kumatok sa pinto ko. Pag bukas ko yung delivery man.

"Sir. Delivery po." Sabay abot niya sakin nung kahon. "Papirma nalang po dito sir." Tsaka abot sakin nung tablet niya.

"Salamat po Kuya." Sabi ko sabay pasok na sa loob.

Walang nakalagay na pangalan sa nagdeliver kaya di din malalaman na si Mr. Jeon ang nagpadala.

Pagbukas ko ng kahon I saw a beautiful floral white dress na off shoulder at hanggang ibabaw lang ng tuhod ang haba. High heels na white at wig na mahaba. Babaeng babae naman ang datingan ko dito. Pero balewala lang sakin yun. Ilang beses na akong nag crossed dressed everytime na nagkikita kami ni Mr. Jeon. Pero kapag nasa hotel na kami tsaka niya lang ako pinagbibihis na typical na itchura ko kasi mas gusto niya daw yung itchura ko kesa sa mukhang babae.

Shempre hindi ako dito sa apartment ko nag ayos. Nagpunta ako sa isang private comfort room sa isang gasolinahan na nakawig na at naka sumbrero tsaka nagpalit ng damit at nag ayos.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon