Kim Seokjin
"Tita Jinnie, saan po ba napunta si Mama? Palagi nalang siya umaalis. Tapos si Daddy po hindi ako binibisita. Ano po bang nangyayari?"
Nagulat ako sa biglang tanong sa akin ni Min So habang inaayusan ko siya at ihahatid ko na siya sa bago niyang school.
"Um. Min So, kasi bata ka pa para sa mga ganitong pangyayari. Hayaan mo. Ieexplain naman sayo lahat ni Mama mo to." Buong pag unawa ko sa bata.
Naaawa talaga ako sa kanya. Siya ang naiipit sa nangyayari ngayon sa mga magulang niya.
Alam kong malakas ang loob ni Min So kahit na nasa murang edad pa lamang siya. Pero iba pa din ang pag aalala ko dahil hindi dapat siya nakakaranas ng matinding lungkot.
Ang bata bata pa niya.
"Hiwalay na po ba si Mama at Daddy, Tita? Tsaka bakit po nila ako inilipat ng school? Dahil po ba sa nangyari nung birthday ko?" Rinig ang lungkot sa boses niya.
Hindi ko alam kung paano ko ba ieexplain sa kanya lahat. Ayokong masaktan siya. Ayoko din na isipan niya ng kung ano ang mga magulang niya.
May tendency na makaramdam siya ng galit it's either sa Mama niya o sa Daddy niya.
"No princess." Umupo ako sa may swilver chair at hinawakan ko siya sa braso. "May mga bagay kasing nangyayari sa mga adults, especially sa mga mag aasawa like your Mama and Daddy. Pero kasi Min So, you are too young to know whats happening. Pero isa lang ang masisiguro ko sayo. Si Mama at si Daddy mo mahal na mahal nila ang isa't isa. They just need time and space. Malapit na din kayong umuwi sa inyo. Okay? Huwag ka ng mag isip. You have to study today para pag uwi mo, naandito na si Mama mo." Nakangiti ko pa din na paliwanag sa kanya.
Kahit na ang gloomy gloomy ng awra ng bata nagawa niya pa din na tumango at pilit na inintindi ang paliwanag ko.
"Come on let's go. Ihahatid na kita. Min Jun and Yun Jin will come too." Nakangiti ko pang sabi at hinawakan siya sa kamay.
Nakaready na ang mga chikitings ko na inayusan ng mga yaya nila.
I drove all the way to Min So's new school. We have no choice but to transfer her here sa malapit sa subdivision dahil na nga sa iskandalo na nangyari noong birthday niya.
A twenty minutes long drive from home to Min So's school kaya hindi din naman ganun kahassle.
Pagdating doon, napansin ko naman na may mga parents and kiddos na rin na nagdadatingan. It's a private school so kampante naman kami na safe ang mga bata dito.
"Sunduin ka ulit namin later ah?" Tumango si Min So, at hinalikan ko siya sa pisngi katulad din ng ginawa ng mga nakababata niyang pinsan at masayang nanakbo papasok sa loob ng gate ng school nila.
Bago sumakay ng kotse para may nakita akong pamilyar na tao.
Is that Dahyun?
Nang tignan ko ulit, wala na siya.
Maybe my eyes tricks me a lot. Napapa dalas na ang pamamalik mata ko. Hay.
Bumalik na kaming mag-aama sa bahay dahil magreready na din ako ng pagkain for lunch.
Pagkasundo ko mamaya kay Min So, dadalhan ko naman ng food sila Taehyung at Jimin sa ospital. Hindi naman sila picky eater. Sadyang, mas gusto lang talaga nila ang mga luto ko.
I packed two lunch bag na may ulam at kanin para sa kanilang dalawa ni Landon. Tsaka ako nag ayos ulit para umalis na.
Isinama ko ulit yung dalawang anak ko sa pagsundo kay Min So sa school. Wala kasi si Namjoon nasa trabaho kaya ako na muna ang nakatoka sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...