Episode 22

2K 66 7
                                    

Jeon Jungkook

Gusto kong ipaliwanag yung side ko sa asawa ko. Hindi totoo yung nakita niya kanina.

Si Dahyun ang pilit na dumidikit at lumalapit sa akin simula ng mag start ulit kaming magkatrabaho.

Pilit akong umiiwas sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin. Isang beses pa may mga lumalabas sa bibig niya na hindi ko talaga nagugustuhan.

"Kung naagaw ka ni Taehyung kay Ji Eun, pwes ako kaya din kitang agawin kay Taehyung."

Isa yan sa mga salita niya na talagang nagpainit ng ulo ko at muntik ko ng makalimutan na babae siya.

May isa pang pagkakataon na nagkaroon kami ng bed scene at masyado niyang tinake advantage yon.

"Mukhang sumasang ayon sa akin ang tadhana Jungkook." Bulong niya sa tenga sabay dinilaan niya pa.

Ayoko man na umulit yung scene naming dalawa naitulak ko siya at humingi ako ng another take kay Direk.

"Jungkook, what happened?" Nagtatakang tanong ni Direk ng mapansin niya na tinulak ko ng bahagya si Dahyun.

"She was making a scene na wala sa script Direk. You know how much I hated a person doing things that they like at hindi sinusunod ang flow ng script." Medjo pagalit na sabi ko.

Iniiwasan kong mag init ang ulo ko sa set dahil baka masira lang ang araw ng lahat. Ugali kong napag iinitan ang ibang tao kapag totally na mainit na ang ulo ko.

Pinagsabihan naman ni Direk si Dahyun na akala mo walang ginawang masama at nag papaawa pa.

"I'm sorry Direk. Akala ko kasi kailangan mas daring yung scene. Hindi na mauulit." She was wearing this innocent voice of her.

Nakakakulo ng dugo.

Nagpaalam na muna ako na hindi ko kayang gawin yung scene na gusto nila dahil mainit ang ulo ko kaya naman pumayag si Direk na sa susunod na araw nalang namin ishoot yung bed scene.

Ilang beses niya akong sineduce pero hindi siya nagwagi. Sa lahat ng mga ginagawa niya kung hindi ko siya sisigawan, tinataboy ko siya.

Oo, naagaw nga ako ni Taehyung sa dati kong asawa pero hindi siya ang may kagagawan non. Kusang nahulog ang loob ko kay Taehyung at pinaglaban ko lang siya. Hindi katulad ni Dahyun na nilalandi ako, kahit alam niyang wala akong amor sa kanya.

Alam ko din nakita ni Tae yung resibo ng alahas sa bag ko. Totoong dalawa ang binili ko pero dapat yung isa para kay Taehyung pero hindi ko alam kung saan napunta. Pagkatapos ko kasi na mamili sa mall ng pang regalo ko sa kanilang dalawa ng anak ko dumaretcho na ako sa set para sa taping namin.

After ko manggaling sa set ay nawala na yung isang kwintas. Parehas sana sila ni Min So pero hindi ko na nakita.

Nagtanong tanong din ako sa mga tao ko kung may napansin ba silang pumasok sa dressing room ko at may nangealam ng bag ko.

"Hala Jungkook hindi namin napansin ni Suzy kasi nung time ng shoot niyo mismo hindi baga naandon din kami?" Sagot sakin ni Minzy.

Tumango tango naman si Suzy.

"Oo nga Jungkook. Alam ko walang tao dito kanina lahat nandoon mismo sa set." Sagot niya naman.

Napahilamos nalang ako ng kamay ko sa mukha ko. Malas talaga. Hindi din ako makaka kuha ng ebidensya kung sinong kumuha non dahil walang CCTV camera dito sa dressing room.

Unless they know everything about my things and bag.

May kumuha noon at hindi ko alam kung sino. Huwag ko lang din malalaman dahil mayayari siya sa akin.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon