Kim Taehyung
Dumating na ang Sunday at family day na ulit naming lahat. Nasa garden kami at nakasuot lang ako ng maluwag na dress.
"Taraaa laro tayoooo!" Sabi ko.
Tumingin naman silang lahat sa akin na para bang nakakita sila ng baliw sa kanto.
"Ano ka bata?" Pang babara ni Suga Hyung sa sinabi ko.
"Dali na kasi! Sharades lang naman!" Pagpipilit ko.
"Oo nga! Pang bata lang ba yun?" Si Chim na mukhang game na game din.
Wala naman silang nagawa kasi nag aya din yung mga babaita. Mga under de saya. Haha.
"Ako unang magpapahula ha." Sabi ko at pumwesto na ko sa unahan.
Nag start na akong mag sign language. Itinuro ko yung sarili ko.
"Me?" - Chim
"Ako?" - Kuya Jin
"You?" - Namjoon Hyung
Nag sign ako ng mali. Inulit ko.
"I'm?" - Jungkook
Tinuro ko sya, means tama.
Bigla kong ifinit yung dress ko at tumambad yung maliit kong babybump.
Yung mga mukha nila question marks lang lahat makikita mo.
Inulit ko ulit. Sabay sabay na silang nagsalita.
"I'm.... Pregnant?" Sabay sabay nilang sabi.
Naglakihan mga mata nila. Si Chim, Kuya Jin at Ate Christine mga nagtilian at nanakbo papunta sa akin na parang mga baliw. Mas excited pa sa akin?
"Oh my gosh bes!!!! Buntis ka?!"
"Sabi ko na may kakaiba sayo eh!"
"Congrats bunso!!"
Naglapitan naman sa akin yung mga lalake at niyakap ako isa isa.
"Congrats Tae. Sabi ko na nga ba may darating na blessings sa inyo." Nakangiting sabi ni Hobi Hyung na tila ba nagteteary eyed.
Pag tingin ko sa asawa ko tulala lang sya.
Kahit naman siguro matutulala hindi ba? Ganyan din naging reaksyon ko.
Jeon Jungkook
Totoo ba yung narinig ko? Para akong nabingi. Natining yung tenga ko.
Lumapit sa akin yung asawa ko at may inabot na picture.
Ultrasound picture.
"4 weeks Mahal." Sabi niya ng nakangiti.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Sa saya? Oo sa sobrang saya.
Niyakap ko sya ng mahigpit at binuhat tsaka ko inikot. Walang mapag lugaran yung saya sa buong sistema ko. Akala ko wala na kaming chance na makabuo ng anak.
"I love you Mahal." Sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.
"Min So anak halika." Tawag ko sa anak ko.
"Hawakan mo tiyan ni Mama." Sabi ko at ginawa naman ni Min So.
Nanlaki ang mga mata niya na tila ba nagets niya kaagad kung bakit ko pinahahawakan yung tiyan ng Mama niya.
"M-Mama buntis ka po?" Tanong niya. Tumango naman si Taehyung na nakangiti at biglang umiyak si Min So.
We both have the same reaction. Matagal na siyang humihiling ng kapatid. At ngayon, mabibigyan na namin siya.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...
