Episode 26

1.3K 44 0
                                    

Kim Taehyung

"Ma'am? Sino pong sasama sa inyo?" Tanong nung police officer sa aming dalawa ni Kuya.

Tumingin ako sa kanya bago ako sumagot.

"Ako po." Sagot ko naman. At tsaka ako tumingin kay Kuya. "Kuya pumunta ka na lang muna sa ospital. Please, wag mo muna sasabihin kay Jungkook yung nangyayari kasi hindi pa siya nakaka recover." Sabi ko naman.

Tumango naman si Kuya at niyakap ako. "Mag iingat ka ha? Iuwi mo si Min So. Bumalik kayong dalawa ng ligtas." Sabi niya tsaka umalis na.

Hindi kasi pwede na si Kuya ang sumama sa mga pulis at ako ang pumunta sa ospital. Hahanapin sa akin ni Jungkook si Min So. Ayokong pagka gising niya malaman niya kaagad yung masamang nangyari. Baka mas lalong makasama sa kanya.

Nanginginig ako habang nasa byahe. Halos padilim na din at hindi ako mapakali. Kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Baka sinaktan na ni Dahyun si Min So. Baka mamaya hindi lang niya basta saktan ang anak ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang babae na iyon kapag may nangyaring masama sa anak ko.



Pagdating namin sa lugar sobrang dilim. Totoo nganga nasa isang masukal na lugar sila. Malaki nalang din talaga ang pasasalamat ko at may signal dito kaya natawagan ko si Min So.

Nababalot ng palayan ang paligid. Tanging isang maliit na kubo lang ang natatawan ko sa banda doon. Yung ilaw lang doon sa maliit na kubo ang tanging ilaw. Nakita ko yung kotse ni Dahyun.

Maingat at dahan dahan ang mga kapulisan na pumalibot sa kubo. Walang ingay o kahit na anong dahilan para malaman ng nasa loob ng kubo na naandito na kami.

Pero mali ako.

Biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril kaya naman napatungo ako.

"Min So!!!" Sigaw ko.

Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Lalo na at may hawak na armas ang baliw na yon.

"Mama!!!" Rinig kong sigaw ni Min So kaya lalo akong kinabahan at naiyak.

Lord, please. Huwag mo naman kuhain sa akin ang anak ko. Min So, please. Huwag mo hayaan na mawala sa akin ang anak natin.

Nanginginig ako. Hindi ko alam iisipin ko sa mga oras na ito. Parang anytime soon mahihimatay na ako sa sobrang kaba at takot na baka may sugat o ano si Min So.

Walang pag dadalawang isip na sumugod papasok sa kubo yung mga police at nakarinig nanaman ako ng mga putukan.

Kahit na alam kong delikado hindi ko maiwasang manakbo papasok sa kubo na pinang galingan nung putukan.

Pagpasok ko nakita ko si Dahyun na nakahiga sa sahig at duguan ang balikat. Pero humihinga at may malay pa siya.

"Mama!!!" Narinig kong sigaw ni Min So at paglingon ko yung anak ko umiiyak at nananakbo papalapit sa akin.

Mahigpit na yakap ang isinalubong ko sa anak ko na halata ang takot at trauma sa maamo niyang mukha.

"Anak ko. Nandito na si Mama. Wag ka ng umiyak." Sabi ko sa kanya. Nanginginig at umiiyak ang anak kong naka yakap sa akin.

Dinampot na ng mga pulis si Dahyun. Nakuha sa kanya ang isang calibre kwarenta'y singko na baril.

At kami naman ay pinapunta sa police station para sa statement ng anak ko. Kahit na may trauma ang bata, nagawa pa din niyang maikwento ang lahat.

Nanginginig man at umiiyak na nagkukwento, pinaramdam ko sa anak ko na safe na safe na siya at wala nang kahit na sino pa ang makakapanakit sa kanya.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon