Kim Taehyung
Pag gising ko nasa kwarto padin ako ni Min So. Bumangon na din ako kaagad para maasikaso yung anak ko at may pasok pa siya sa school.
"Min So anak, gising na." Nagmulat naman siya ng mata at tumingin sa akin na parang nagtataka.
"Mama?"
"May pasok ka pa anak." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Tara na. Pagluluto kita ng favorite mong pancakes." Ngumiti ako sa kanya at tsaka ko siya binuhat at bumaba na kami. Kahit pupungas pungas pa siya.
Narinig kong parang may kumikilos at nagluluto sa kusina. Pag silip ko si Jungkook. Nagluluto nga siya.
Ano ito? Pangpa lubag loob? Hindi niya ako madadala sa mga padali niya na ganyan.
Naramdaman niya ata na nasa likuran niya na kami kaya lumingon siya.
"Oh gising na pala kayo. Nagluto ako ng breakfast natin." Sabi niya na nakangiti.
Lumapit sya sa amin ni Min So.
"Goodmorning Mahal." Hinalikan niya ko sa labi. "Goodmorning princess." Hinalikan niya naman si Min So sa noo.
Binaba ko na yung bata at pinuwesto sa upuan niya.
"Mahal, sorry nga pala kagabe ah? Pagod lang talaga ako sa trabaho." Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.
Tumango lang ako.
"Ano nga palang plano sa birthday ng prinsesa namin?" Sabi niya at nakatingin kay Min So na nakangiting excited.
"Okay na. Naplano na namin ni Kuya Jin at Jimin." Sabi ko naman na hindi siya tinitignan at kumakain lang ako.
Inaamin ko naman na masama ang loob ko sa nangyari kagabi. Napuno na talaga ako. Hindi naman pwede na manahimik lang ako hindi ba? Asawa niya ako. Karapatan ko naman na tanungin siya kung bakit ganun ang oras ng uwi niya.
"Ganun ba. Imbitahin ko na din sila Dahyun. Tutal mga kasamahan ko naman sila sa trabaho." Sabi pa niya.
Tumango lang ulit ako. Hindi pa din ako umiimik. Alam kong nakakahalata siya sa cold treatment na ginagawa ko sa kanya pero hindi niya ako masisisi.
Buong maghapon syang nasa bahay at hindi umalis. Kesyo wala daw silang shoot today. Biglang ganun. Palibhasa kasi nakatikim siya sa akin ng init ng ulo. Siya na din ang naghatid at sumundo kay Min So sa school.
Nagquality time lang silang mag ama. Ako naman nagtrabaho lang din dahil imbak nanaman na.
2 days before birthday party ni Min So ay inaya ko si Kuya Jin at Jimin sa mall para mamili ng mga kakailanganin sa party.
Pati na din mga pang giveaways at pang regalo sa anak ko.
Habang nasa mall at naghahanap ng mga pang display sa party ni Min So parang napansin ko si Jungkook sa isang jewelry shop.
"Bes. Hindi ba asawa mo yun?" Sabi ni Chim sa akin habang nakaturo sa nakatalikod na si Jungkook na nagtitingin sa mga alahas.
Kilalang kilala ko siya kahit nakatalikod at oo siya nga yun.
"Oo nga bunso. Akala ko ba nasa trabaho siya?" Sabi naman ni Kuya Jin na nakatingin din sa gawi ni Jungkook.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...