Episode 12

2.3K 60 6
                                    

Kim Taehyung

After 1 hour dumating na si gaga. Dere-deretcho syang nagpunta sa salas at naupo sa sahig at kumuha ng pizza tsaka sinubo ng pagkalaki laki yung isang buong pizza.

"Wow madam. Nakakahiya naman po sayo ano? Walang hi, walang ho? Snob lang? Kapag may pagkain ganun deretcho lang?" Sabi ko sa kanya at napatingin sya sakin tsaka tumawa ng malakas. Loka loka talaga.

"To naman parang others. Hindi ka pa nasanay saken? Halika na maupo kana dito. Alam kong may ikukwento ka sakin bes. Bilisan mo na dali!" Aya nya sakin sabay tinapik yung sahig na katabi niya.

Ako naman nagpipigil sa tawa. Para kasing baliw eh.

"Oh ano namang emote mo ngayon?" Sabi niya habang nanguya. Kakaaduwa tong baklang to.

"Wala. Naiinip lang ako. Mamaya pa uwi ni Mr. Jeon eh." Sagot ko naman at nagsalin ng beer sa baso at uminom. Totoo naman kasi eh. Naiinip lang talaga ako.

"Wala naman bang nagbago sa kanya?" Tanong ni Chim at ngumasab naman ng fried chicken.

Bakit ba ganito mga tanungan ng isang to? Mapagtripan nga.

"Meron." Tipid kong sabi. Napatingin naman sya sakin na nagtataka. "Ha? Ano naman?" Tanong niya ulit.

Tignan mo. Magtatanong siya tapos pag sinagot ko kelangan pa ng explanations?

Ngumiti naman ako. "Lalo syang naging sweet. Alam mo ba maaga yan nauwi galing shooting. Tapos pag nasa shoot naman lagi naka video call saken. Super clingy. Sabi niya baka daw kase pag isipan ko sya na may babae. Loko ang walangya." Sabi ko na medjo tatawa tawa.

Automatic naman naningkit yung mata ni Chim at binatukan ako. "Animal! Akala ko naman kung ano na gagu. Abang na abang pa naman ako eh.." Natawa nalang ako. "Hilig mo chumismis kasi." Sabi ko sabay inisnaban sya.

"Teka nga bes. Seryosong tanong. 2 months kana din dito ah. May balita na ba sa divorce papers ni Mr. Jeon at Ji Eun? Napirmahan na ba ni ex wife yung papel?" Tanong nya sabay tagay din.

Napaisip ako.

"Hindi pa. Hindi daw mahagilap si Ji Eun. Nag resign na din daw sa company niya. Walang nakakaalam kung nasan siya. Sabi baka daw lumayo na kasama ni Manager Kang." Sabi ko at napainom ulit ng tagay.

Napepressure ako sa mga ganitong tanungan eh. Kasi kahit ako hindi ko alam ang sagot. O kahit nga si Mr. Jeon, nagpapasimple lang ako ng tanong sa kanya kasi baka maoffend at sabihin ang demanding ko.

"Paano yon? Edi di na mawawalan ng bisa yung kasal nila?" Ang kulit ng isang to ah?

"Hinahanapan na ng paraan ni Mr. Jeon eh. Mag iisang taon na din kaming dalawa." Sabi ko. Tas may bigla akong naalala. "Ay shet bes speaking of mag iisang taon. Ano bang magandang iregalo for 1st anniversary?" Tanong ko sa kanya.

Mag iisang taon na pala kaagad kami ni Mr. Jeon? Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Iniisip ko na baka hindi to mag work eh. Pero heto kami ngayon magkasama pa sa iisang bahay. At para na din kaming mag asawa.

Tumingin naman si Chim sakin na parang nag iisip. Mukhang seryoso siya dahil matagal na din sila ng pinsan ko at may mga nagawa na siyang surprises kay Suga Hyung.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon