Episode 14

2.2K 71 3
                                    

Jeon Jungkook

3 years later ...

"Daddy!" Sigaw ng isang batang babae na nananakbo papunta sa akin.

"Hello my princess. Are you ready to see Mommy?" Sabi ko sa anak kong si Min So. Anak namin sya ni Ji Eun. My 2 years and 9 months old daughter.

After ng shoot ko ay sinundo ko sila ng yaya niya sa bahay at dahil pupunta kami kay Ji Eun. After ilang minuto lang din nakadating na kami sa pupuntahan namin.

"Min So. Say hi to Mommy." Sabi ko habang kalong kalong siya.

"Hi Mommy!" Sabi ng anak ko habang kumakaway sa tapat ng puntod ni Ji Eun.

Yes.

Ji Eun died 2 years ago. She had stage 4 breast cancer at hindi na niya nalabanan pa.

Today was her 2nd year death anniversary. Dinadala ko si Min So dito para makilala padin siya ng anak namin hanggang paglaki niya. Wala naman akong dapat ilihim sa anak ko. Karapatan niya pa din na malaman ang totoo in the first place.

After namin dumaan sa sementeryo ay umuwi na din kami. Sinabi ko sa anak ko na bukas nalang kami mamamasyal sa mall dahil pagod na din ako.

Yung bahay ko walang pinagbago. Lahat ng gamit na naiwan dito ni Taehyung hindi ko tinanggal. Even his pictures. Nandito lang lahat ng alala niya. Until now mahal na mahal ko padin si Taehyung Hindi padin siya nalilimutan ng puso ko.

Nakaukit na siya dito na kahit anong gawing bura hindi na maiaalis.

Naalala ko pa kung gaano ako naging kamiserable nung iwan niya ko 3 years ago.









Flashback

Hinanap ko ng hinanap si Taehyung Pati sila Jimin nag aalala na dahil pati sila hindi makontak si Tae.

Ilang araw na. Halos mabaliw na ako. Hindi na ako nakakapasok sa trabaho. Nagagalit na din sa akin ang mga kasamahan ko pero pilit silang kinakausap ni Namjoon Hyung about sa sitwasyon ko.

Araw araw akong naghihintay sa pagbalik niya. Pero wala. Walang bumalik na Taehyung. Palaisipan pa din saaming lahat kung ano bang rason niya at bigla nalang niya akong iniwan at wala manlang siyang pinagsabihan sa kahit na sino samin.

Hindi lang din ako sigurado kung wala nga ba.

Para na akong mababaliw kakaisip kung saan ko ba siya pwedeng hanapin. Wala na kaming kahit na anong trace sa kanya. He deleted all his social media accounts and even his email accounts. Nakablocked na din kami sa cellphone niya.

Isang araw biglang may kumatok sa pintuan ng bahay ko. Halos madapa dapa ako sa pagtakbo dahil iniisip kong baka si Taehyung na yung kumakatok at bumalik na siya.

Pagbukas ko mali ako. Nawala yung pananabik ko at napalitan ng dismaya, tumambad sakin si Ji Eun. Malaki ang tiyan nya.

"Jungkook." Sabi niya na mangiyak ngiyak.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na sabi ko sa kanya.

"J-Jungkook buntis ako. At ikaw ang ama." Napatingin ako sa kanya ng nagtataka.

Ano bang pinagsasabi ng isang to?

"Ginagago mo ba ko? Sinong tangang maniniwala sayo ha?! Wag mo kong pinagmumukang gago dito Ji Eun. Ipaako mo yan sa tatay nya huwag sakin." Galit kong sabi.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko dahil sa sinabi ng babaeng ito. Ano siya baliw? Aalis siya tapos babalik at sasabihing buntis siya at ako ang ama? Nagpapatawa ata tong isang to.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon