Kim Taehyung
Nagising akong nasa loob ng isang madilim na kwarto. Wala akong makita puro itim ang paligid ko.
Nakakasuffocate.
Ang hirap huminga at kumilos.
"Kuya?! Min So?!" Tawag ko sa anak at kapatid ko.
Tinry kong tumayo at mangapa sa paligid. Lumakad ako ng kaunti pakanan at nahawakan ko ang pader. Sinundan ko ito at ginawang alalay.
Walang laman dito sa loob? Wala kasi akong nababanggaan na mga gamit.
Parang ang haba naman ata ng nilalakaran ko? Napansin ko sa may bandang dulo na may ilaw ang ilalim at alam kong pintuan yun.
Kahit na nahihirapan na akong kumilos sa dilim pinilit ko pa din na makalapit sa pintuan.
Pagbukas ko, liwanag ang unang suminag sa mukha ko at halos mabulag ako dito.
Nang umayos na ang paningin ko, nakita ko si Min So at Jungkook na masayang naglalaro sa garden at may picnic matt na puro pagkain ang nakalatag sa lapag.
Masaya silang dalawa na naghahabulan.
Kaya naman nakangiti akong lumapit sa kanilang dalawa.
"Mahal? Min So?"
Tila ba hindi nila ako naririnig at wala silang pakealam.
"Mahal! Min So!" Nilakasan ko yung boses ko kahit na ang lapit lapit ko na sa kanila. Pero wala pa din. Patuloy sila sa paghahabulan at pagtatawanan.
Tsaka lang napukaw ang atensyon ko ng may marinig akong boses ng isang babae.
"Love. Anak! Kakain na!"
Napalingon ako ng mabilis sa kinaroroonan ng boses na yun.
D-Dahyun?
Anong Love?! Anong Anak?!
Hindi!
Masayang lumapit sa kanya ang mag ama ko at hinalikan siya sa pisngi at labi.
Masaya silang tatlo.
At ako? Parang wala lang ako sa harap nila. Invisible at hindi nag eexist.
Akmang lalapit ako ng mapunta sa akin ang tingin ni Dahyun. Nakangisi siya na tila ba isang demonyo.
"Sa akin na ang asawa at anak mo. Paano ba yan Taehyung? Ako ang nanalo."
Sabay halakhak ng malakas. Kasunod din ang pagtawa ni Jungkook at Min So.
Hindi!
"Hindi!!!!"
"Tae?! Bunso! Bunso gumising ka!!"
Napabangon ako bigla ng marinig ang boses ni Kuya Jin. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.
"You're having a nightmare. Kanina ka pa sumisigaw kaya napatakbo kami dito." Sabi niya na tila ba nag aalala ng sobra.
Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Min So na parang naiiyak.
"Mama, okay lang po ba kayo?"
Hinatak ko siya ng marahan tsaka ko siya niyakap at hinalikan sa ulo.
"Oo anak. Mahal na mahal ka ni Mama." Bulong ko sa kanya.
Isang pangit na panaghinip.
"Okay ka lang ba?" Halata pa din kay Kuya ang pag aalala.
Tumango ako ng marahan.
"Halika na at bumaba na tayo. Kanina pa nakaready ang umagahan." Aya niya sa aming mag ina.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈
FanfictionJeon Jungkook, 25 years old married man and an actor. His wife is Lee Ji Eun, 24 years old a singer and artist. Jeon Jungkook is known on having a good acting skills. A hot married man who's been attractive to men and women. One day, his management...