***
"Larong laro na ako "boring na sabi ko sa kanila habang nakatingin sa court.
"Grabe ka naman, Risha pwedeng time out muna." maarteng sagot ng kaibigan ko.
So bago ang lahat mag papakilala muna ako..Im Trisha Catherine Santos collage student and a volleyball player, number 02.
Ang maarteng kaibigan ko naman ay si Sky Kesha Smith collage student din siya. Kasama ko siya sa volleyball team, number 11 siya.
"Kaya nga kakatapos lang naman ng P.E natin tas mag hahanggad ka nanaman ng laro niyo sa volleyball! " pag agree ni Sam kay Sky.
Siya naman si Samantha Thea Peralta collage student din, hindi siya mahilig sa sports pero sa Kantahan patok ang bruha.
"Oo na, pinag tulungan pako e! "pagsuko ko sa kanilang dalawa.
"May practice ang basketball player ngayon ha?" napalingon kaming lahat kay Kharie
Kharie Gomez ang kambal ni Samantha joke, mahilig silang dalawa sa pag kanta pero mag kasalungat ang ugali nila, Si Sam maarte at Si Kharie walang kaarte-arte sa katawan yan.
"Ayan na pala sila e! "napalingon kaming lahat sa entrance ng marinig namin ang ingay sa labas.
"Grabe naman! hindi ako nainform na artista ang mag lalaro." tumango naman ako kay Kharie may point naman si Kharie ang ingay nila akala mo mga artista ang mag lalaro.
Pumasok ang mga kababaihan na nakangiti habang nag titilian at ganun din ang mga naka varsity jacket na player----ang tatangkad nila.
"Sinong Captain nila?" tanong ko habang nakatingin sa mga player ng Basketball.
"Ahyy! interesado ka bakla!" sabay hampas sakin ni Sky, tinignan ko na lang siya ng masama para tumigil.
"Si Ramirez ang basketball captain." sagot ni Kharie sa tanong ko, hindi na ulit ako nag tanong baka tuksuhin ule ako ni Sky.
"Anong magandang gawin?" tanong ko sa kanilang tatlo.
"Kain na lang tayo!! libre mo." nakangiting sagot ni Sky, inirapan ko na lang siya para sabihin' hindi ko gusto ang idea niya.
"Puntahan na lang natin yung coffee shop niyo Kharie." opinion ko na siyang dahilan kung bat ako nabato ng notebook hmp!
"Pulutin mo yun!" sungit naman nitong Kharie- Kharieng to!!
Bumaba ako para pulutin yung notebook ni Kharie na hinagis niya 'apaka abnormal niya kahit kelan! Siya nag bato tas' ako papapulutin baliw!
"Anakng!!" inis na sigaw ko ng maramdaman ko yung pag-alog ng utak ko, napahawak ako sa may pader baka matumba ako ng wala sa oras.
"Risha!" rinig kong sigaw nung tatlo pero hindi ko magawang maimulat yung mata ko---grabe haa!! Lakas ng pag lipad ng bola sakin talaga tumama!!!
"Miss sorry!" boses ng lalaki ang narinig ko, dahan-dahan kong minulat ang mata ko .
"Risha! ilang ibon?" natatawang tanong ni Sky sakin.
"Pakyu ka!" inis na sabi ko saka hinarap yung lalaking narinig ko kanina.
Nakatayo siya sa harap ko at hawak na niya yung bola na tumama sa ulo ko, tinignan ko siya ng masama saka nag lakad palapit sa kanya.
"Tekaa!! bago mo sipain ang balls ko hindi ako ang sumipa!!" napatigil ako sa pag lalakad at kinunutan siya ng noo.
"E, sino?! Bat ikaw ang nasa harap ko?!" inis na sambit ko sa kanya.
"Si Zane, bigla niya kasing sinipa yung bola hindi naman namin sinasadya Miss," pagpapaliwanag niya.
"Likod ka nga!" kahit nag tataka ay tumalikod siya.
Mariano, 22
Tinapik ko siya para sabihing humarap na siya.
"Sabihin mo sa Zane na yan, kung maninipa siya ng bola siguraduhin niyang soccer player siya!" pinandilatan ko pa siya ng mata saka tumalikod.
"Okay ka lang?" maiyak- iyak na sa tawang tanong ni Sky sakin.
"Baralin kaya kita, tas itanong ko sayo, Okay ka lang?" sarkastikong sabi ko sabay irap sa kanya.
"Who are you?" tinaasan ko naman ng kilay si Kharie sa tanong niya.
"Ano bang kabulastugan yan?!"
"Sagutin mo na lang!!"
"Trisha Catherine Santos" bored na sagot ko saka umirap sa hangin.
"Good!! hindi naapektuhana ng utak mo, by the way let's go." hindi na ako sumagot sa walang kwentang pinag sasabi nila at sumunod na palabas ng gym.
Bago kami makalabas tinignan ko muna yung mga basketball player.
Pag nakaharap ko yang Zane na yan, ulo niya sisipain ko!!
Ang sakit ng ulo ko that time, bwisit na yun!!!
"Santos!" nakangiting tawag ni Sir ng apelyedo ko.
"Sir Alfred, ano hong kelangan niyo?" tanong ko sa kanya.
Siya!!! ang may kasalanan kung baket ako naging player!! tinakot akong ibabagsak raw ako pag 'di ako sumali tsk!
"Gusto ko lang sabihin na may meeting kayo mamaya sa Gym, dont worry excuse na kayo ni Smith." nagpasalamat na lang ako kay Sir saka pumasok sa klase ko.
Bagot na bagot na ako sa pakikinig sa prof na to!
"Excuse me Miss!" napangiti ako ng makita si Camille.
Tumayo na ako ng tawagin ng Prof ang apelyedo ko, ngiti ngiti naman kaming lumabas ni Sky.
"Angel ka talaga Camille, kahit kelan!" pagpupuri ko sa kanya, kung hindi pa siguro siya dumating ay baka napatayo nanaman ako ng isang oras sa matandang yun.
"Kayo na lang kasi wala Cap!! nakakaloka ka pa VIP." Yes!! TAMA kayo ng pag kabasa ako ang captain ng Volleyball.
Nag tawanan kaming nag lakad papuntang Gym kasama raw namin ang Basketball player.
"Ohh!!! Andito kana pala Captain Santos!" bungad ni Sir Alfred.
"Sir ayaw ako palabasin e! " sigaw ko rin sa kanya, aba gantihan lang syempre.
"O siya!! simulan na natin Sir andito na pala yang VIP niyo eh!" tumaas ang dugo ko sa sinabi ng lalaking naka varsity jacket.
"Ohhh siya, let's start" hindi man lang ako nakaganti sa lokong yun!
Natapos ang boring na meeting ng mga 2 oras siguro, Nag kasukatan rin kami may bago kasing uniform.
Hindi ko pinalitan yung number ko wala lang hindi ko yan birthday, walang konektado sakin.
Number Two.
YOU ARE READING
Until The End Of The Game
FanfictionWelcome to Ga-Sic Series Game-Music Series. Game Series # 1 : Until The End of The Game This story is all about trust and love. Ano ang paniniwalaan mo ang maniwala sa nakita ng dalawa mong mata o sa sasabihin ng taong mahal mo. Sino ba talaga...
