15

14 3 0
                                        

Trisha Pov


Pag kapasok ko ng Gym walang asungot ang sumira ng araw ko.



"Good Morning Catherine," bati ni Tristan ng madaanan ko sila sa bench.





"Goodmorning" bati ko, nag simula na silang mag sibati isa-isa.




Tumambay muna ako sa kanila dahil wala pa naman yung iba ko pang kateam lalo na si Sky, kasabay ko siya talaga kanina keso----




"Asan si Sky?" Tanong ni Steven.




Sasabihin ko pa lang di ba? pinutol agad tsk!




"My dinaanan," maikling sagot ko.






"Where?" Tanong naman ni Tristan.





Hindi naman ako na inform na ang usiso ng mga lalaki ngayong araw.




"Hindi ko alam, nakita ko na lang na tumigil yung sasakyan niya sa isang cafe 'ata yun." sagot ko






"Andaming cafe sa labas Trisha!" sarkastikong sabi ni Shawn habang kumakain ng donut.






"Coffee project 'ata yun." alanganing sagot ko.





"May ganun?" Takang tanong ni Tyler.





"Sta. Rosa," sagot ko





Bago pa sumagot si Tyler, may sumira ng door sa gym------ hindi sa as in sira talaga, ang lakas lang ng pag ka bukas kaya rinig ang alingawngaw ng pag bukas nito.






"Sowpi, maninira kaba ng pinto?" Tanong ng kateam nila Tyler.






"Opss, sorry akala ko kase muka ng babaeng yun." sabay nguso saken.






Saken talaga, ako lang ang babaeng nasa basketball court dahil ako at si Sky lang naman ang close sa kanila.





Lumapit siya samin kasama ang mga alagad niyang coloring book. Kung si Sam ay kinukulayan ang labi niya, sila naman buong muka kulay red ang kulay.






"You!" Sabi niya sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa.





"Yes me?" Takang tanong ko.






"Ikaw si Santos?" Tanong ulet niya.






"Siya!" turo ko kay Tristan. " Santos siya!" dagdag ko.





Tinignan naman niya si Tristan, nginitian lang naman siya ng kapatid ko.






"Mag kapatid sila, sino bang Santos hinahanap mo?" Tanong ni Steven.






Nakakapag taka ba? Si Tristan hindi ko siya kuya, Kambal kaming dalawa. Halata naman simula First and Second name ay pareho na kami T at C. Hindi lang namin pinapaalam---- basta mag kapatid kami yun na yun.






"Yung Santos na type ni Zane." Sowpi






"Labas ako diyan." natatawang sagot ni Tristan, kaya lahat sila napatingin sakin maski si Sowpi.





"Inaano ko kayo?" Tanong ko sa kanila






"Malandi ka nga talaga," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.






Until The End Of The Game Where stories live. Discover now