48

13 1 0
                                        

                             LONG VACATION

Marinig ko pa lang ang pangit niyang pangalan ay nasusuka na ako. Hindi ko man lang malaman ang dahilan ng lokong yon kung bat bigla siyang nag paramdam. Mukang hindi ko nagugustuhan ang susunod na pagkikita namin ng tarantadong yon.

"Bro, ang pangit mo." Tyler

"Mas panget ka lang." Bago ang lahat kanina pa kami nakaupo dito sa mini bar 'ata, hindi ko alam kung anong tawag nila dito dahil hindi naman ako taga rito.


"Si Steven ang kakanta, narinig ko dun sa babaeng yon!!" Sabay nguso ni Sam sa kabilang mesa.


"Alam mo Sam, ang linis ng tenga mo----sobrang linis." Pambabara ni Sky habang nilalaro ang baso nito.


Huwag na kayong magtaka kung may hawak na sila----kaming baso, pag bar ang usapan hindi pa kami nakakaupo ay may tama na ang isa samin. Ganun nila---namin kamahal ang alak---maliban lang kay Kharie na juice ang hawak niya ngayon.


"Kaya pala wala ang loko, may business---hindi man lang ako sinama ng may pang date din ako." Bulong ni Shawn.


"Hindi daw kasi mabenta ang bosses mo." Pambabara naman ng katabi ko, pinag-ginitnaan nila akong dalawa, gustohin ko mang tumabi kay Trisha ay hindi na ako pinalipat ng nga kolokoy.


"Nahiya naman ako sa bosses mong basag."


"Wow! Makabasag ka naman! Maganda rin ang bosses ko, Wait and Watch."


"Tangina, kung mag babangayan kayo sa harap ko, mag patayan na lang kayo----iingay niyo sakit sa tenga." Inis na bulyaw ko sa dalawa.


"Gago to' pasalamat ka at ginagawan ka namin ng pabor!" Tyler


"Mag papasalamat pag tumahimik kana sa kakadada, mamaya masira mo ang plano ko."



"Ha?!!! Ginaganyan mo ako?!! May kailangan ka sakin-----kayaaaa dapatttt maging mabait ka kasi kung hindee-----TRISHA BABE!!!" Sigaw ni Tyler.


"Oh? Kelangan talagang isigaw?" Trisha



Tinignan ko ng masama si Tyler ganun din si Shawn. Hindi ko alam ang mang yayari sakin kung sakali mang mahawakan ko sa leeg si Tyler---hindi ako mag dadalawang isip na sakalin ito hanggang sa mawalan ng hininga ang hayop.



"Ang ganda mo," nakangising sabi nito at lumingon kay Trisha.



"Alam ko ang bagay na yan, huwag mo ng ipamuka dahil hindi ako nahihiya." Sabay kindat nito sa katabi kong kolokoy.



"Pag pumalpak ang plano dahil sayo sinisigurado kong hindi kana masisikatan ng araw----TANDAAN MO YAN!!!" May diing bulong ko kay Tyler.


"Easy Bro, hindi pwedeng mag kidding?"


"Mayaman naman si Steven 'di ba?" Napalingon ako sa tanong ni Sky tungkol kay Steven. Hindi ko naman nabalitaan na bumagsak na ang business nila.



"May nabalitaan ka ba na hindi namin nabalitaan?" Tanong ko kay Sky.



"Anong balita? Tanga! Lagi niya kasing pinapasukan ang lahat ng Event na pinupuntahan natin."


"Baka naman may pinapatunayan or pinag iipunan siya." Sabay kibit balikat na sagot ni Tyler.


"Pinag iipunan? Hindi bat mayaman siya? Bakit kailangan niya pang mag ipon?" Sam



Until The End Of The Game Where stories live. Discover now