49

12 1 0
                                        

                             LONG VACATION

Zane Pov


Hindi ko alam na ganto ang pakiramdam ng atrasan ng taong gusto---mahal mo. Nakakakaba na masakit. Pucha eto na ata ang karma ng isang Ramirez na gaya ko!!


Pinanood ko si Trisha na nakahawak ang isang kamay sa mic ang isa naman ay sa mesa. Nakatingin siya sakin, nginitian ko siya kahit hindi maitago ng mata ko ang pain na nararamdaman ko.


"Its okay." Basa ko sa labi ni Kharie, nginitian ko lang sila.


"Im really sorry." Sabi uli ni Trisha sa Mic.


Narininig ko ang ibang iyakan at bulungan ng mga tao. Wala namang magagawa ang bulungan nila e pero thankfull pa rin ako dahil ramdam ko ang supporta ng ilan sa kanila.


"Im reall sorry, Zane sobrang hirap." Umiiling pang ani niya.



I bit my lower lips to stop my tears! Puchang luha to!! Hindi ko alam na ganto pala ang pakiramdam ng pag init ang mata. Kahit naluluha ay nginitian ko pa rin siya.



"N-Naiintindihan naman kita." Iniwasan ko ang pag nginig ng boses ko para hindi ako lalo mahiya.



"Zane sorry," pag hingi niya uli ng sorry, nakangiti ko siyang pinapanood na umiiyak sa harap ko.


Eto na yon! Eto na yung pain na sinasabi ng lahat, doble yung sakit habang pinapanood ko siya! Sobrang sakit na makitang umiiyak yung taong mahal mo. Napatingala ako ng maramdaman ko uli ang pag init ng mata ko.



"Im really really sorry, Zane kasi sobrang hirap para sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sorry." Sa oras na yon alam kong hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko.


"N-Naiintindihan kita." Pucha! Tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko.



"Sorry dahil mahal na din kita." Napayuko ako at kinagat ng matindi ang labi ko. "Yes.Mahal.Din.Kita." pang gagaya niya sakin.


Narinig ko uli ang hiyawan ng nga tao ng nag lakad siya palapit sakin. Pucha!!! Pasalamat ka mahal kita!! Hindi ko na siya hinintay na makalapit sakin agad ko siyang niyakap ng mahigpit.



"Pinakaba mo ako! Kung pwede lang kitang sabunutan nagawa ko na" Bulong ko, narinig ko ang mahina niyang lag tawa. Hindi ko napigilan ang luha ko at sa pag kakataon na yon wala na akong pake sa mga taong nasa paligid ko.



"Im sorry, pinigilan ko pero sayo talaga ang bagsak ko." Sabi niya sa gitna ng pag hikbi niya.


Bumitaw ako sa pag kayakap ko sa kanya at pinagdikit ko ang noo naming dalawa." Panget mo umiyak!" Natatawang sabi niya.



"Kasalanan mo to!" Nakangusong sabi ko pero napalitan din agad ng ngiti.



"I love you!" Ani niya, shet!! Sarap pakinggan..


Niyakap ko uli siya ng mahigpit. "I love you more than that fucking words."



"Putangina!! Sanaol!!" Rinig kong sigaw ni Tyler na pinapatahan sa pag iyak si Sky.



Nilingon ko ang mga taong nakikinood kanina ay merong nag sisigawan at may umiiyak din. Ganun din ang mga kaibigan naming mga babae. Si Sam na inaalo ang sarili. Si Kharie na nakangiti samin habang inaalo din ni Shawn, at sila Sky nga.



"Huwag mo na akong tatakutin ng ganun!" Sabi ko ng bumitaw siya sa pagyakap sakin.



"Ang alin? Nakakatakot na ba ang yakapin kita ng mahigpit?" Nakangusong sabi niya.



Until The End Of The Game Where stories live. Discover now