10

12 3 0
                                    

Palabas na ako ng Campus ng makita ko si Sowpi sa may isang bench, mukang kanina pa niya ako inaantay, psh pinanindigan talaga na mag uusap kami.




"Sowpi" tawag ko sa kanya kaya naman tumayo siya agad at lumapit sakin.





"May balak ka pa palang lumabas Zane?" Galit na sabi niya.





" Meron, kaya nga andito ako sa harap mo eh" pamimilosopo ko sa kanya.




" Umayos ka nga Zane!" Sowpi




" Oo na," sabay kaway pa ng kamay ko sa kanya.




"Zane, Anong nang yayare sayo?"




"May nangyayare saken?" Sabay kapa ko sa sarili ko.





Napapikit ako ng maramdaman ko ang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Sumagot lang ako sa tanong niya sinampal na ako buset! Nakarinig naman ako ng mga baka sa paligid for sure sila Tyler yun.





"Bat kaba nananampal ha?!" Seryosong tanong ko at hinawakan ang pisngi ko, tindi ng sampal!





"Para magising ka!" Sowpi





"Gising ako, kaharap mo nga ako eh," kita ko naman kung paano siya mainis sa mga pag sasagot ko sa kanya.





" Cursed you! Ano bang kinakaganyan mo?!" Galit na galit na sigaw niya.






"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! Ano bang kinakaganyan mo?" Mahinahong tanong ko.




"Kase hindi kita maintindihan!!" Sowpi





"Ano bang hindi mo maintindihan?--- Ipapaintindi ko."





"Yung ginawa mo kanina, Yun ang hindi ko maintindihan!" Sowpi





"Ano bang hindi mo maintindihan dun? Andun si Tyler alangan namang saka lang ako papasok pag nasapak na yung kaibigan ko?" tanong ko.






"Zane, Yung diin ng bawat mga salita mo dun---iba e'----IBANG-IBA." sabay turo sa direksyon ng gym.




"Gusto mo diinan ko din mga salita ko sayo?" Madiin na sabi ko sa bawat bigkas ko ng mga salitang yan.





"Damn you!" Mura niya sakin.




"Alam mo Sowpi isang buwan naman na tayo, siguro tama na yun." nakangising sabi ko sa kanya.



Sa mga naging babae ko ay pangalawa si Sowpi sa nanampal saken.




"What do you mean?" Takang tanong niya.




Lumingon ako kanila Tyler ng marinig ko ang mahinang tawanan nila at mga pinag sasabi nila. Ang mga gago narinig ko pang nag pupustahan.





"Singkwenta pusta ko!!"





"Sowpi kung aalalahanin ko ang mga naging jowa ko, satingin ko ikaw lang ang isang buwan, kase ang iba ay isang oras lang."  kita ko naman ang gulat sa mga mata niya.





"Zane, hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi mo." umiiling pang sabi niya.





"Alam mo Sowpi may bago na yan!" Sigaw ni Steven.





Kahit kailan talaga pahamak itong si Steven! Imbis na madali na lang ang gagawin ko ay mas lalo niya lang pinahirap, pupusta ko ang isang babae ko sasampalin ako nito.




Until The End Of The Game Where stories live. Discover now