02

29 4 0
                                    

Natatawa kong pinanood si Steven na nag lalakad pabalik sa bench kasama ng bolang sinipa ko.



Hindi ko naman sinasadya, ayaw kasing umalis ni Sowpi e! Kailangan nila yung bola, hindi ko naman sinasadyang lakasan yung sipa at tumama dun sa babae.




"Tarantado ka Zane!" umiiling na sabi ni Steven saka binato sakin yung bola.




Steven Mariano, walang hiyang kaibigan ko, number 22.





"Galet na galet bro! " tawang tawa na sigaw ni Shawn.




Shawn Sanchez, mas walang kwenta kong kaibigan, number 16.




Ako naman Si Zane Vincent Ramirez, Captain, number 02.




"Hindi ko naman sinasadya e!" sabi ko sabay shoot ng bola sa ring.




"Ulol ka! alam mo ba ang sabi niya?! Bago ka raw manipa siguraduhin mong soccer player ka! " natawa naman silang lahat sa sinabi ni Steven.




"Aba, Tol , pag yan iniskoran ko kahit sa kusina pwede!!" mas lalo silang natawa sa sigaw ko.




As if naman, andami kong babae diyan tas sa kanya pa ako papatol.




"Bro, asa ka!! " napangisi na lang ako kay Shawn.




"Tama na ang daldalan mga panget!!" napatigil kami sa pag sigaw ni Tyler na kanina pa nakaupo.




Tyler Kats Dilizo, mas walang kwenta at Hiya kong kaibigan, number 05.




"Mas panget ka!" sabay sabay naming sigaw, saka pinagpatuloy ang game.




Natapos ang practice namin dahil dumating si Sir Alfred, may meeting raw at mag papalit raw kami ng uniform kasama ang Volleyball.



Mga ilang oras na kaming nag hihintay sa captain ng Volleyball pero wala pang dumadating at nababagot na akong nakatayo.



"Sir, darating ba yung Captain ng VB?" tanong ni Tyler habang nakaupo sa sahig.



"Sir, kanina pa tayo nag aantay wala naman dumadating." Shawn



"Mag sihintay nga kayo----Camille tawagin mo nga si Santos at Smith!" dali-dali namang tumakbo palabas si Camille na tinawag ni panot.




"Sir asan na yung---"




" O! Andito kana pala Captain Santos!"putol ni Sir sakin, bastos to!



" Sir, ayaw ako palabasin eh"sigaw naman nung Santos.



"Hala bro!! Siya yung tinamaan ng bola!" bulong ni Steven habang nakahawak sa braso ko.



"O! siya simulan na natin Sir, andito na pala yang VIP niyo e!" nakangising singit ko, saka tumingin kay Santos, kita ko naman na gusto niya na akong sumbatan.




"O siya, let'start na!" kahit papaano ay may silbi rin pala ang 'let's start' na yan.




"Bro, ganda pala," nakangising sabi ni Shawn.



"San banda?" takang tanong ko.



Saka tinignan si Santos na nakikipag usap sa mga ka-team niya, Maganda naman siya, mahaba ang buhok, Matangkad siya, Sexy----



Anakng!!! Bat siya ngumiti lumabas----yung dimple niya.




"Bro, yung brief mo nahulog," nabaling ko agad sa kanila ang tingin ko.




Until The End Of The Game Where stories live. Discover now