One month after the Long Vacation naging busy kaming lahat. Lalo na kaming varsity player. Sila Kharie naman ay busy sa pag aayos for up coming foundation.
"Im tired!! Pwede bang mag quit na lang sa pagiging volleyball player," reklamo ni Sky.
"Go. Walang pipigil sayo!" Nakangising sagot ko sa kanya. Mas lalo naman siyang sumimangot.
"Pwede bang daanan muna natin si Santa Marya? Namimiss ko na siya!" Pag bibiro niya.
Gaya ng sabi ni Sky, lumiko kami papunta sa Auditorium para puntahan sila Sam. Mamayang nine pa naman ang start ng practice namin meron pa kaming one hour para bisitahin yung dalawa.
"Dapat pala sumali na lang ako dito!!" Nakasilip sa window glass na ani ni Sky.
This Month ang up coming foundation. More on singing and contest ang event. Meron ding games at kung ano ano pa. Last week of this month ang simula ng laro pero ang schedule namin is next month. Pag panalo kami this game kami ang lalaban sa finals.
"Look! Its Santa Marya!!" Sabay katok ni Sky sa Window Glass na naging dahilan ng pag lingon nila samin.
Ngumiti ako at kumaway sa dalawa naming kaibigan. Dali dali naman silang lumabas para puntahan kami.
"I knew it!! Kaya pala may nararamdaman akong bad spirit dahil nandito ka!!!" Bungad ni Sam bago nakibeso.
"Wow ha! Tinangay kasi ako ng hangin. Meron pa nga siyang binulong e. Ang sabi niya Go to Santa Marya she need you." Nakangising sagot ni Sky.
"Akala ko ba busy kayo? Bakit kayo nandito?" Singit ni Kharie.
"She miss you!" Nguso ko kay Sky na nakikipag tarayan kay Sam.
"I dont miss her. Kunin niyo na rin si Sam sakit sa ulo ang isang yan!" Natawa naman ako sa sinabi niya.
Mapili si Sam sa partner niya. Pag hindi mo kayang maabot ang high notes niya hindi siya papayag na siya ang partner mo. Kumbaga kalevel niya dapat ang katabi niya.
"Ang sabi ni Zane, kasali si Steven and Shawn dito?"
"Hindi ko pa sila nakikita simula nung kahapon. Hindi ko din nakita ang pangalan nila." kinunutan ko siya ng noo.
"Later daw sila papasok. Busy sila sa masungit nilang prof." Sabay kaming lumingon ni Kharie kay Sam.
Nakahilig siya sa pinto.
"Wow. Close kayo?" Sky
"Oo bakit. Aangal ka?"
"Excuse me. Kharie mag sisimula na daw." Tumango na lang ako kay Kharie ng mag paalam siyang papasok na.
"SAMANTHA!!!" Sigaw ni Kharie sa loob ng hindi sumunod si Sam sa kanya. Sam rolled her eyes bago siya tumalikod samin.
Tuwang tuwa naman si Sky sa pang aasar niya kay Sam. Nakarating kami sa Volleyball Court. Naabutan namin ang ilang kasama namin na nag sisimulang mag practice at ang iba ay nakaupo lang. Wala pa si coach.
"Captain!!! Hanap ka ni Boyfie kanina." Sigaw ni Camille habang nag lalaro.
"Bakit daw?"
"Ewan. Wala naman siyang nasabi. Babalik raw siya mamaya. Break time ata nila."
Nilapag ko sa bakanteng bench ang bag ko, ganun din si Sky. Hindi ko na kailangan mag palit dahil naka dolphin short na ako at plain shirt. Naka pony tail na rin ang buhok ko.

YOU ARE READING
Until The End Of The Game
FanfictionWelcome to Ga-Sic Series Game-Music Series. Game Series # 1 : Until The End of The Game This story is all about trust and love. Ano ang paniniwalaan mo ang maniwala sa nakita ng dalawa mong mata o sa sasabihin ng taong mahal mo. Sino ba talaga...