23

11 1 0
                                    

Trisha Pov



Ilang araw ang lumipas wala paring pinag bago ang pag kakaibigan na meron kami, lalo na yung araw na nireplace kami ni Tyler.




Speaking off, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko, Damn it! Kaibigan na namin sila! YES!! At dahil yun sa walang kwenta kong kapatid!




Hindi man lang naawa saken ang mahal kong kapatid. Hindi man lang niya naisip na malapit na akong makulong sa ginawa niya. Hindi man lang niya nagawang isipin na baka mapatay ko ang isa sa kaibigan niya. Zane ang pangalan ng kaibigan niyang malapit ng mawala sa mundong ibabaw.





"Beybiiii," speaking off, eto nanaman siya!





"Pwede ba! Tigilan moko sa beybi beybi na yan!!" Iritadong tanong ko.





"Para sweet," sabay kindat niya.




Andito kami ngayon sa park, OO nanaman, KAMI, ibig sabihin kaming walo.




"Sino ba kasing nag sabe na pumunta ka dito?!" Ines na tanong ko.





"Si Bayaw lang naman," kapal talaga ng muka!




"Tama na ang lambingan love birds!" Sita ni Shawn




"San ba tayo pupunta? kanina pa tayo lakad ng lakad." tanong ni Tyler.





"Kaya nga," Sky




"Tara sa condo," yaya ni Mongi.





Wala ng umangal, pagod na rin naman kami sa pag lalakad kaya, LET'S GO SAGO!




Nakarating kami sa condo ni Zane.
Sanaol, ganto ang condo. Ang itsura kasi ng condo ko, pag pasok mo is konting walk lang then Sala na, the right side is my kitchen. You will see the hallway, my makikita kang two doors, for bathroom then walk again, one door again for my room.





Sumalampak agad sila sa sofa ni Zane at binuksan ang tv.





"Ang kakapal ng muka, ako pa nahiya." rinig kong bulong ni Zane saka pumasok sa hallway.




Dahil sa wala na akong pwesto ay sinundan ko na lang siya.





"Papasok," paalam ko sa kanya.





Ang inaasahan ko ay madumi at mabahong kwarto ang  pinasukan ko pero daig niya pa ang kwarto ni Sky. Ang linis at ang bango, sobrang bango. SOBRANG LINIS AT SOBRANG BANGO.




"Zie!" Napalingon naman ako kay Zane.






"May mumu ba?" Takang tanong ko.






"Ha? Zie"  sabe niya ule at pumalakpak ng bahagya.






Bago pa ako sumagot isang alaskan malamute ang lumabas sa kama niya.




"Uwuuu," sabe ko saka umupo sa sahig.





Ang cute niya! Ang sarap yakapin. Para siyang kamote na buhay.




"Ang cute naman ng alaga mo," sabi ko saka binuhat si Zie at tumayo.





Umupo ako sa tabi ni Zane at inabot sa kanya si Zie, which is yung kama niya ang inuupuan naming dalawa and napaiwas naman ako ng tingin at tinuon sa asong naka dapa sa gitna naming dalawa ang tingin ko. Sino bang hindi mapapaiwas ng tingin kung ang katabi kong lalaki ay nakabukaka habang nakaupo?




Until The End Of The Game Where stories live. Discover now