LONG VACATION
Hindi ko namalayan ang pagtigil ng sasakyan kagabi, ganun din ng ilipat niya ako sa kwarto ko ay hindi ko man lang naramdaman.
Bago ako bumaba ay inayos ko muna ang sarili para may maiharap ako sa kanya, tanghali na rin ng magising ako dahil siguro sa sarap ng tulog o' sa panaginip ko.
"Hola, Goodmorning!" Masiglang bati ni Sky.
"Wew, anong meron?" Tanong ko dahil dalawang araw siyang wala sa mood and pag gising ko sobrang bonakid niya.
"Wala naman, by the way naubusan kana ba ng damit?" Tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Nakalugay lang naman ang buhok ko at nakaroba lang ako, may sport bra naman ako at short na sobrang ikli. I didn't wear a make up too even liptint.
"Kakaligo ko lang, for sure naman na may lakad tayo so para isahan."
"Goodmorning!!" Sigaw ni Tyler ng makita niya kami ni Sky papasok ng dinning table.
"Cute~" Sky habang nakatingin kay Tyler na naka apron ng pink at may hawak na tong.
"Alam ko namang cute ako, alam ko ding gwapo ako at hot ako."
"Tara sa labas may nag sasalitang aircon," pagbibiro ko na siyang kinasimangot niya.
"Dito na kayo lumabas, nakalimutan 'atang sabihin ni Steven na may daan dito palabas." Sabay turo niya sa may pinto sa left side niya.
"Ano bang niluluto mo?" Tanong ni Sky.
"Mauna na ako," paalam ko dahil mukang okay na ule silang dalawa.
Napapikit ako sa liwanag na bumungad sakin pagkalabas ko ng pinto.
"Sinusundo na ba ako ng puting liwanag?" parang gusto ko na lang ule bumalik sa loob.
Luminaw naman ang paningin ko, mukang hindi ko pa oras kaya umalis na ang puting liwanag. Agad kong nakita si Steven at si Sam na nakaupo sa may folding bed at si Shawn naman at Kharie sa may upuan sa gilid ng pool. Hinanap naman ang mata ko si Zane, kung saan kami nakaupo nung unang araw ay dun siya nakahiga.
"Goodmorning," napalingon naman ako kay Steven ng bigla niya akong batiin.
Lumapit naman ako at umupo sa round chair sa tabi nila.
"Morning, kanina pa kayo dito?"
"Kakalabas lang namin ni Kharie," sagot ni Sam habang nakatingin sa magazine na hawak niya.
"Kanina pa kami, ginising kami ng maaga ni Tyler,"
"Bakit? May plano nanaman siya?"
"Gusto niya raw sulitin ang Masasa beach kaya naisipan niyang mag camping tayo mamaya diyan sa tabing dagat, sakto namang may nakatagong tent sa bodega." Shawn
"Sabagay, okay na yun no' hindi na tayo bibiyahe, kapagod e'." Sam
"Kelan ba ang alis natin?"
"Dalawang araw pa tayo dito." Shawn
Tumango naman ako saka nilingon si Zane sa hammock, tulog siguro. Hindi ko na rin naman sila makausap dahil may kanya-kanya silang buhay, pumunta na lang ako sa hammock kung saan nakahiga si Zane.
YOU ARE READING
Until The End Of The Game
Fiksi PenggemarWelcome to Ga-Sic Series Game-Music Series. Game Series # 1 : Until The End of The Game This story is all about trust and love. Ano ang paniniwalaan mo ang maniwala sa nakita ng dalawa mong mata o sa sasabihin ng taong mahal mo. Sino ba talaga...
