Zane Pov
Mamayang lunch pa yung pupuntahan naming party kano ni Sam.
Kung tatanungin niyo kung anong nangyare ng matapos ang game ay wala. Pinag- aasar lang naman ako ng mga kolokoy na umamin na rin daw ako sawakas.
Mga gago, may sakit na nga sa puso yung tao tuwang- tuwa pa sila 'apaka walang kwenta talaga.
"Lover boy," speaking of gago andito ako ngayon sa condo ni Tyler.
"Ilang ulit ko bang sasabihin na 'di ko siya gusto?!" Inis na sabe ko sabay bato ng unan sakanya.
Sa Calamba kami ni Tyler, samantala yung dalawang bugok ay baka pakalat-kalat lang sa kalye. Room 315 ako si Tyler naman ay 320.
"Tangiii, Tol umamin kana saken." sabay upo niya sa tabi ko.
"Anong aaminin ko sayo?" Takang tanong ko saka tumayo para kumuha ng tubig sa ref niya.
"Usapang ikaw at ako," rinig kong sigaw niya.
Pag pasok mo ng Unit ni Tyler ay dinning agad ang makikita mo in short dirty kitchen na. Sa right side may pinto papunta sa Bathroom. Maraming pasikot sikot ang Room niya, may hallway pa para makarating ka sa Kwarto niya. Dalawang room ang meron si Tyler pero malawak.
"Ang bakla mong pakinggan," pasigaw na sagot ko sa kanya.
"Gagi, seryoso ano nararamdaman mo pag nakikita mo si Trisha?" Tanong niya.
Bago ako sumagot ay bumalik na ako sa Sala kung saan ko siya iniwan. Naabutan kong nakahiga sa sofa si Tyler habang kumakain at nanonood.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko ng makaupo ako.
"Slow mo?"
Slow mo?..... Sa field, nung pag harap niya parang nag slow mo.
"Nakakaramdam ka ng inis sa mga suot niya."
Nung una ko siyang nakita mag practice at nung naka sport bra siya, gaya ng sabe ni Tyler nainis ako pero hindi ko pinahalata.
"Pag may kausap na lalaki, sumasama ang kulo ng dugo mo,"
Kahapon, yung tatlong lalaki na kumausap kanila Trisha parang ang sarap sapakin.
"Pag naasar mo siya completo na ang araw mo,"
Sa araw-araw kong pang aasar sa kanya, aaminin ko parang nabubuo ang araw ko.
"Pag hindi ka niya pinansin, mapapaisip ka na lang kung anong nagawa mong mali,"
Kahapon, hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya para mag-inet ang ulo niya ng ganun at hindi ako pansinin.
"And Last----"
Hindi natuloy ang balak sanang sabihin ni Tyler ng may mag iskandalo sa labas. Ang kakapal talaga ng muka ng dalawang yun.
"Mukang mapapalayas 'ata ako ng wala sa oras," sabe ni Tyler bago pag buksan ng pinto yung dalawang ahas.
Hindi pa sila nakakalapit, parang gusto ko ng magtago sa ilalim na sofa na inuupuan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/221994918-288-k401282.jpg)
YOU ARE READING
Until The End Of The Game
FanficWelcome to Ga-Sic Series Game-Music Series. Game Series # 1 : Until The End of The Game This story is all about trust and love. Ano ang paniniwalaan mo ang maniwala sa nakita ng dalawa mong mata o sa sasabihin ng taong mahal mo. Sino ba talaga...