50

11 1 0
                                    

                          LONG VACATION

Trisha Pov


Bumalik kami ni Sam sa room dahil shunga shunga siya naiwan niya yung camera niya. Pati din ako naiwan ko yung shades ko at hindi ko kaya ang init sa labas. Naabutan kong nakahiga si Tyler sa sofa at si Shawn na kumakain.



"Hindi pa kayo lalabas?" Tanong ni Sam.



"Gisingin mo nga yan, sayo lang naman natakot yan." Sabay turo ni Shawn kay Tyler na mahimbing ang tulog.



"Si Zane?" Tanong ko sa kanya bago humablot ng hotdog.



"Nasa CR," sagot niya, hindi ko na lang siya ginulo para matapos na siya.




"Zane are you----dahpaking abs!" Gulat na bulyaw ko ng bigla siyang humarap.



"Oh! What are you doing here?" Tanong niya, agad akong tumalikod para maiiwas ang makasalanan kong mata.



Pucha men! Nabilang ko walo siya kaloka!!!




"A-Ano! A-Akala ko nag CR ka lang. W-Walang nasabi si A-Ano? S-Si Shawn na nag s-shower ka." Nakagat ko ang dila ko sa hiya. Jusqoo masaya pero nakakahiya.



"Teka! Bihis lang ako." Paalam niya, ha?! Baket naman agad!!



"Sigi lang hehe, lalabas na muna ako ha?!" Paalam ko pero hindi pa rin siya nililingon.



"Tekaa! Lalabas na din ako. Hintayin mo na ako." Pigil niya sakin.




Nakatalikod lang ako habang kinakain yung hotdog na hinablot ko kay Shawn kanina. Jusqo lord! Agad kong sinubo yung hotdog dahil naman e naalala ko yung walong pandesal kulang yung isang hotdog sa walong pandesal.




"Nakakadiri ka Trisha!! Nakakadiri grr!!" Bulong ko habang sinasampal ng mahina ang pisngi ko.




"Oh shot!" Napatalon ako ng may humalik sa pisngi ko, jusqo naman! Bakit sa pisngi?!!!




"Anong ginagawa mo?" Natatawang tanong ni Zane, pinag masdan ko siya. Nakadamit na siya at may tuwelya sa balikat.



"H-Ha? Wala naman!" Ilang na sagot ko.




"Sabit ko lang sa CR, wait moko!" Iniwanan niya ako ng matamis na ngiti bago pumasok sa CR.



"Sakit mo sa ulo Trisha!! Napaka manyak mo!!" Sabi ko uli sa sarili ko habang hinihintay si Zane.



"Done! Tara!!" Yaya ni Zane sabay hila sakin palabas. I hate this!! Sobrang berde na ng isip ko!



"Oh! Anong ginagawa niyo sa iisang kwarto?!" Nakaturo saming sabi ni Tyler na sobrang gulo ng buhok.




"Bro, wala kaming ginawang masama. Mukang sayo may nangyareng masama hahaha," sabay tawa ng katabi ko.




"Oo Bro! Sobrang sama pag ginalit ang isang Peralta ng mumukang unggoy!! Sinabunutan ba naman ako, akala ko mapuputol na leeg ko sa pa left and right niyang sabunot!!" Natawa ako sa itsura niya dahil inaacting niya pa yung ginawa sa kanya.




"Ano!! Anak ng hindi kapa nakakaligo?!! Ang sabiiii ko di ba-----"




"Eto na oh! Nakaharang sila sa daan di ba?! Ayan oh di ba?! Hindi ka makapag hintay?!" Putol ni Tyler sa balak sabihin ni Sam.



Until The End Of The Game Where stories live. Discover now