29

13 1 0
                                        

Trisha Pov


Balik na ule sa dati ang lahat, pumapasok na kami sa buong klase. Hindi na rin namin masyadong nakikita ang mga engkanto.




"Mukang may namimiss ka?" Nakangising tanong ni Sky.





"Yung kapatid ko miss ko na." Sagot ko, Siya naman talaga.





"Kapatid nga ba?" Tinignan ko naman sila ng masama dahil sa pag tawa nilang tatlo.





"Tigilan niyo nga ako," inis na sabe ko.





Dahil nga kaibigan ko sila, hindi sila tumigil sa pang iinsulto sakin. Hindi ko naman siya namimiss, slight lang.




"You can now take your lunch." Pag kain nanaman!






"Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ang gamit ko.




"Tara na lang sa coffee shop ni Ate," Kharie





Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad papunta sa Coffee shop na pag tatambayan namin.





"Balita ko, may long vacation tayo," Sam





"Peyk news yan!" Sabe ni Sky habang inaayos ang buhok niya.





"Ipakain ko kaya sayo to!" Sabay harap ng phone ni Sam sa muka ni Sky.





"Layo mo konte beh," Sky





"I told yah?" Sam






"Baket naman daw?" Takang tanong ni Sky.





"Ewan muka ba akong si Dean?" Sabe ni Sam





"Yang muka mo?" Sabay taas ng kilay na sabe ni Sky."Pwede kang maging Dean." pang aasar ni Sky.





Nag barahan pa sila bago kami tuluyang nakarating sa coffee shop nila Kharie.





"There you go, ngayon lang magiging maingay ang shop." bungad ni Ate.





"Busy Ate------alam mo ba yung balita?" Tanong ni Kharie sa kapatid.





"Anong balita?" Takang tanong ni Ate Kary.





"Long Vacation?" Sagot ko






"Ah, pag katapos ng game niyo." sagot ni Ate.






"Baket daw?" Tanong ko, ano kayang meron at nag bibigay sila ng maagang vacation.




Ngayon lang sila ng bigay ng long vacation. Nakakapagtaka naman at talagang biglaan ang pag bigay nila ng Long Vacation. Tsaka nasa middle na kami ng class.




"I dunno," sabay kibit balikat na sagot ni mareng karyle. Tumataba 'ata si Ate Karyle.





Hindi na ule namin chinika si Ate Karyle at naupo nalang sa pwesto namin. Akalain mo yun parang nakakapanibago na apat na lang kami.






"Miss ehem* miss ehem*" tinignan ko ng masama si Sky sa pang aasar niya.





"Tigilan mo nga ako sa pang iinsulto mo!"





"Aguyy, aminin na kasi, may namimiss ka," Nag tanguan naman sila Sam bilang sang ayon sa pinag sasabi ni Sky.




"Ako ba talaga ang nakakamiss o baka naman kayo?" Nag siiwas naman sila ng tingin.




Until The End Of The Game Where stories live. Discover now